Kakaibang “push up” bra na natagpuan ng isang netizen, kinaaaliwan online

Imahe mula kay Kinfar Vergara via Facebook
  • Isang netizen ang nagbahagi ng kaniyang karanasan habang naghahanap ng damit panloob sa isang pamilihan
  • Ang bra kasi na kaniyang nakita ay may kakaibang foam sa loob nito, dahil ito ay hugis kamay
  • Kinatutuwaan naman ng mga netizens ang litratong ito ng bra na mayroong maliit na kamay sa loob
Imahe mula Freepik

May mga taong mapili pagdating sa pagbili ng kanilang mga damit panloob. Ang pagsuot nga naman nito ay hindi basta-basta dahil ito ang nagtatakip sa mga maseselang bahagi ng ating katawan.

Sa halos lahat ng pamilihan — mapa-mall man ito o palengke — ay mayroong nagtitinda ng mga damit panloob na pambabae, panlalaki, pambata, at maski mga pang-matanda.

Ang mga underwear na ito ay gawa sa malalambot na tela at materyales upang maging komportable sa magsusuot. Ito rin ay mabibili sa iba’t ibang kulay, laki, at lapad.

Imahe mula Freepik

Maliliit at tago man sa katawan, may ibang damit panloob na mas mahal pa kaysa sa mga nabibiling damit. Tulad na lamang ng mga underwear ng mga kababaihan sa Victoria’s Secret; isang kilalang clothing line.

Ngunit para sa ibang hindi naman naghahanap ng engrandeng damit panloob na susuotin, kontento na sila sa pagbili sa mga pamilihan basta’t siguradong malinis ang mga ito.

Ngunit paano kung malinis nga ngunit may kakaibang bagay naman ang makikita sa underwear na iyong susuotin? Ito ang natagpuan ng isang netizen habang siya ay namimili ng kaniyang bra.

Sa larawan na ibinahagi ni Kinfar Vergara sa Facebook, ipinakita niya ang bra na tila may hugis kamay na foam.

Imahe mula kay Kinfar Vergara via Facebook

Nilagyan ito ni Vergara ng caption na: “Bumibili ako ng bra tapos kinakapa ko bawat bra kase ayoko talaga ng may foam then pag kapa ko dito sa bra na to ang weird kase ba’t iba tapos nung tinignan ko may kamay, ang creepy eh.”

Ikinatuwa ng maraming netizens ang litratong ito at nagbahagi rin sila ng mga nakakatuwang komento. “Meron din akong bra na ganyan binili ko siya sa internet tapos ganyan yung design. Maganda naman sya mag push up. Recommended!

Push up bra kasi po yan. Mas better po kasi ‘yung may kamay kaysa foam lang” at “Nasa online po yan, nakita ko yan.”

Para sa mga kababaihan, nais mo bang gumamit ng ganitong bra?