Kahanga-hanga: Traysikel drayber ng Benguet nagsauli ng pitakang may mahigit P23,000 na halaga

Imahe via Mankayan Mps | Facebook
  • Isang traysikel drayber sa Benguet ang nakapulot ng pitaka na may lamang pera na mahigit P23,000
  • Hindi siya nagdalawang -isip na ihatid ito sa istasyon ng pulis upang maibalik sa may-ari
  • Nakuha ng may-ari ang kanyang pitaka at marami ang humanga sa drayber dahil sa kanyang integridad

May mga pagkakataong sinusubok ang ating integridad, lalo na sa panahong tayo ay nangangailangan din sa aspetong pinansiyal.  Magagawa mo ba kayang maging tapat pa rin sa kabla ng kahirapan?

Imahe via Mankayan Mps | Facebook

Para sa isang traysikel drayber na si Richard Domilos, nanaig pa rin ang kanyang pagiging tapat.  Isang pitaka ang kanyang napulot sa daan ng Cervantes Road, Poblacion, Mankayan, Benguet.  Maaaring malaking tulong sa kanya ang perang nasa loob nito ngunit hindi siya nag-atubiling ihatid ito sa Mankayan Municipal Police Station.

Mayroon din itong lamang mga identification cards; dahilan upang mahanap agad ng pulisya ang may-ari na isang ginang.  Naibalik sa ginang ang pera na nagkahahalaga ng P23,460  kung saan labis ang pasasalamat niya sa drayber.

Ang magandang balitang ito ay ipinost sa Mankayan Mps Facebook page at umani ng papuri si Richard mula sa mga netizens.

“God bless you more. You did the right thing. Good job and congratulations you passed the test.”

“Kudos to you, sir. May our Almighty shower blessings on you, sir.”

Imahe via Mankayan Mps | Facebook

“Good job po sir driver.  Great salute to you and to the Mankayan police,”

Samantala, ayon kay Violeta Flores, likas na mabait talaga si Richard. “Saludo ako sa’yo Richard. Mabait, masipag at trusted talaga ‘yan. Siya ang suki ko na tricycle driver.”

Maraming salamat, manong Richard. Isa kang magandang ehemplo sa lahat ng mga drayber. Nakagagalak na maami pa rin pala ang mga tapat na kagaya mo na maaari nating pagkatiwalaan.  Nawa’y patuloy pa kayong dumami at lalong makilala ang Benguet dahil sa mga mabubuting drayber.