Kabisado mo pa ba? ‘Ito ang beat’ Coke commercial, tanda pa rin ng mga ‘young once’

  • Hindi pa rin nakalilimutan ng mga “young once” ang popular Beat Game commercial noon ng Coca-Cola
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang television ad na paulit-ulit nilang ginagaya noong early 2000s
  • Mas kilala sa tawag na “Ito ang beat”, marami ang nagpagalingan noon at tumanggap ng Beat Game Challenge

“Ito ang beat, sabay-sabay. Ito ang beat, bawal sablay….”

Isa ka ba sa mga tumanggap ng Beat Game Challenge noong early 2000s? Nagpraktis ka ba nang husto para gumaling dito? Nagpasikat ka rin ba sa iyong mga kalaro at kaeskwela?

Image via Coke commercial

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ng television ad ng Coke na naging sobrang popular noon sa napakarami, lalo na sa mga kabataan. Hanggang ngayon, kahit halos dalawang dekada na ang lumipas simula noong una itong umere ay hindi pa rin pala nakalilimutan ng mga “young once” ang sikat na commercial.

“Nilalaro namin ‘yan bago dumating si Ma’am. Palakasan pa ng kalampag kasi kahoy ang upuan,” pagbabahagi ng Facebook user na si April Mae Coja Miras.

“My favorite commercial. Memorize ko ‘to noong college days. Pasikat din ako sa classmates ko,” kuwento ni Jessica Rosaros.

“OMG! Ang nostalgic!” kumento ni Sheila Rivera. “Iyong siko ko halos mangitim na dahil dito haha!”

Samantala, buong lyrics naman ang inilagay ni Jhaycy Matt Jhovert, na hanggang ngayon ay kabisado pa rin pala ito, “‘Ito ang beat, sabay-sabay. Ito ang beat, bawal sablay. Pabilis nang pabilis. H’wag magmi-miss, h’wag magmi-miss. Gets mo na, gets mo na. Ahhhh,
Coca-Cola! Nalilito, nalilito. Nahihilo, nahihilo. Coke ko ‘to, coke ko ‘to! Coke ko ‘to!’ Tama ba? Hahaha! Pati hand movements kabisado ko pa. Hahaha! Second year high school ako noong nauso to. Tuwing recess, naglalaro kami ng classmate ko.”

Image via Coke commercial

Nostalgic! Balikan ang “Ito ang beat” Coke commercial at maging bata ulit:


Loading...
Source :

Facebook, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: