Jeepney driver sa Marikina, hindi naniningil ng pamasahe sa senior citizens at PWDs

Image via Emma Ruth Davantes Vergara‎ | Facebook
  • Nagbibigay ng libreng sakay ang isang jeepney driver para mga senior citizens at persons with disability 
  • Sa Facebook group na Marikina News, ibinahagi ng isa sa mga miyembro ang litrato ng nakapaskill sa loob ng jeep na nagsasabing libre lahat ng mga senior citizens at PWD
  • Marami ang natuwa sa ginagawang ito ng tsuper

Hindi araw-araw ay makatatagpo ka ng mga jeepney driver na nagbibigay ng libreng sakay para sa mga senior citizen at persons with disability (PWDs).

Image capture from Facebook

Ito ang dahilan kung bakit marami ang naantig sa isang tsuper mula sa Marikina City na nagbibigay ng libreng sakay sa mga senior citizens at PWDs.

Sa Facebook group na Marikina News, ibinahagi ng isa sa mga miyembro ang litrato ng nakapaskil sa loob ng jeep na nagsasaad na libre ang sakay ng mga senior citizens at PWD. Hinangaan ng marami ang lalaki dahil sa kabila raw ng simpleng buhay at nagawa pa rin nitong tumulong sa mga nangangailangan, at mas lalo pa nitong nakuha ang respeto ng marami nang ikuwento ng isa sa mga dating pasahero nito na may sakit din itong iniinda.

“Salute po sa inyo, sir driver. Sana dumami pa ang kagaya mo. God bless you sa every day mong pagpapasada,” ani Leny Federiz.

“Ako, dalawang beses na akong nasakay kay manong nang libre. Thank you. God bless you always, manong,” wika ni Lolita Torres.

“Nasakyan ko ito si kuya, may sakit din s’ya sa balat. Super bait n’ya. As in,” pagbabahagi ni Ivy Clarisse Bias.

Samantala, mayroon din humiling na kung medyo nakaaangat naman sa buhay, sana ay huwag nang gamitin ang pagkakataong ito at sa halip ay magbayad nang tama para naman kumita pa rin ang tsuper.

Image via Emma Ruth Davantes Vergara‎ | Facebook

Maraming salamat sa kabutihan ng iyong puso.