JC sa asawa: ‘Yung nambasted sa ‘kin 15 years ago, nagkita kami ulit at ‘di ko na pinakawalan

  • Ibinahagi ng aktor na si JC Santos na ikinasal na siya noong nakaraang taon at malapit nang maging ama
  • Sa isang panayam ng beteranong mamamahayag na si Allan Diones, ibinahagi ni JC kung gaano naging makulay at pinagpala para sa kanya ang taong 2019
  • Aniya, kabilang sa mga natanggap niyang biyaya ang muling pagtatagpo nila ng babaeng nambasted sa kanya 15 years ago na ngayon ay asawa na niya at ina ng kanyang magiging anak

Bukod sa magandang itinatakbo ng kanyang karera, pinagpala rin ang personal na buhay ng aktor na si JC Santos.

Image via JC Santos | Instagram

Sa isang panayam ng beteranong mamamahayag na si Allan Diones, ibinahagi ni JC kung gaano naging makulay at pinagpala para sa kanya ang taong 2019. Kuwento niya, kabilang sa mga natanggap niyang biyaya ang muling pagtatagpo nila ni Shyleena Herrera; ang babaeng nambasted umano sa kanya 15 years ago na ngayon ay asawa na niya at ina ng kanyang magiging anak.

“2019 is the best year for me. 2019 lahat, sobrang thankful ako kay Lord na lahat ng pangarap ko, lahat ng dasal ko, natupad…pati ‘yong sa career,” wika ng aktor na isa sa mga pinakahinahangaan ngayon sa industriya.

Bukod umano sa kanyang career,  ‘yung crush niya noong high school na binasted siya 15 years ago, muli silang nagkita at hindi na niya ito pinakawalan.

Ani JC, agad niyang hiningi sa pamilya ng kanyang iniibig ang kamay nito matapos lamang ng ilang ulit na paglabas nila.

Image via JC Santos | Instagram

“Hindi ko na pinakawalan. Siyempre nag-hang out kami for a few months, [then] sinabi ko na agad sa parents niya na, ‘I wanna marry your daughter.’ Sinabi ko na agad sa kapatid niya,” wika niya. “And nalaman na nila and nag-propose ako. And we got married, and now we have a new beautiful girl.”

Narito ang buong panayam ng beteranong entertainment reporter na si Allan Diones kay JC Santos:


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: