
- Kinakiligan ng maraming social media users ang entry ng basketball star na si JC Intal sa popular ngayon na Decade Challenge
- Tinawag na “Isang dekada with Bianca”, laman ng Instagram post ni JC ang mga larawan nila ni Bianca Gonzalez simula noong magkasintahan pa lang hanggang sa nagkaroon na ng pamilya
- Marami ang natuwa na pagkalipas ng isang dekada ay nananatili pa rin ang pagmamahal ni JC sa kanyang “the one”
Pagkalipas ng isang dekada, wala pa ring nagbago sa lalim ng pagmamahal ng basketball star na si JC Intal sa kanyang pinakamamahal, ang television host at manunulat na si Bianca Gonzalez.

Sa Instagram, kinakiligan ng maraming social media users ang entry ni JC sa popular ngayon na Decade Challenge. Tinawag niyang “Isang dekada with Bianca”, laman ng post ni JC ang mga larawan nila simula noong magkasintahan pa lamang silang dalawa hanggang sa nagkaroon na ng sariling pamilya.
“Isang dekada with Bianca. Wala na akong hihilingin pa. Mahal na mahal kita, sobra. Sana sa bagong dekada bawas bawasan mo kasungitan mo,” saad ni JC sa caption ng mga litratong ibinahagi niya.
Marami ang natuwa na pagkalipas ng isang dekada ay nananatili pa rin ang pagmamahal ni JC sa kanyang “the one”.
Taong 2014 noong ikinasal sina JC at Bianca. Sa kanyang wedding vow, ipinahayag ng basketball player kung gaano niya ipinagpapasalamat na pakakasalan na niya sa wakas ang taong ipinagdasal at hinintay niya.
“Bianca, I’m very grateful to be marrying the woman I have prayed and longed for. I know that this is a once-in-a-lifetime opportunity and I vow to love and serve you with all my heart,” aniya.
“I knew you were the one for me when I felt your love. You love me in a way I have always wanted to be loved,” sabi naman ni Bianca sa kanyang groom.

Mapapahinga ka nang malalim sa sweetness nila, ‘di ba?
Balikan ang pag-iisang-dibdib nina JC Intal at Bianca Gonzalez:
Nitong 2019, nagkaroon ng renewal of vows ang dalawa kasabay ng pagdiriwang ng ikalimang anibersaryo ng kanilang kasal.