Grupo ng mga PWD, taus-pusong nagpasalamat kay Mayor Isko Moreno

Imahe mula sa Facebook | Isko Moreno Domagoso
  • Sa pamamagitan ng pormal na sulat, pinasalamatan ng Deaf Community si Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso
  • Ito’y dahil sa pagbibigay sa kanila ng oportunidad upang makapagtrabaho sa kabila ng kanilang kondisyon
  • Matatandaan na sa utos ni Mayor Isko noong 2019, ipinatupad sa buong Maynila ang ordinansang magbibigay ng trabaho sa mga PWD at senior citizens

Naantig ang puso ni Manila City Mayor Isko Moreno matapos niyang basahin ang natanggap na liham mula sa isang grupo ng mga PWD. Laman kasi nito ang pasasalamat ng Deaf Community para sa oportunidad na ibinigay sa kanila upang makapagtrabaho.

Image may contain: 13 people, people smiling, crowd and indoor
Imahe mula sa Facebook | Public Employment Service Office – City of Manila

“Thank you for the opportunity to work in the City of Manila Public Service Employment Office (PESO). We tried to apply for work before but we failed because of our disability and we lost hope. But now we got accepted. Thanks to God, our prayer and dream to work were finally answered,” pahayag ng Deaf Community sa naturang liham.

Matatandaan na noong 2019, pumirma ng Memorandum of Agreement si Mayor Isko sa pagitan ng iba’t ibang negosyo at bigating korporasyon sa Maynila. Nakalakip sa usapang ito ang good news na puwede nang magtrabaho ang mga senior citizens at PWD sa mga nasabing lugar.

Kaya naman ngayong natupad na ang kanilang matagal nang pinapangarap, taus-pusong nagpaabot ng pasasalamat ang mga taong tinulungan ni Mayor Isko. Marami rin daw ang nagbago simula nang maupo siya bilang alkalde ng Maynila.

Image may contain: 9 people, people smiling, people standing, crowd and indoor
Imahe mula sa Facebook | Public Employment Service Office – City of Manila

“Since the time you sat in power and became Mayor of Manila, everything changed. We are all excited and happy for the big changes. We are proud to say we are no longer burden to our parents and in return, we shared our blessings to others,” dagdag pa nila sa liham.

Samantala, base sa inilabas na accomplishment report ng Manila PESO nitong ika-22 ng Enero 2020, nasa 339 na senior citizens at 50 PWDs na ang nabigyan ng trabaho noong 2019. Umaasa naman ang Deaf Community na papayagan muli silang mag-renew ng job contract sa 2020.