Ginawa ni Bianca nang ma-miss ang PBB co-hosts na sina Toni at Mariel, kinaaliwan ng netizens

  • Isa sa mga pinakapopular na trio sa showbiz industry ang Pinoy Big Brother hosts na sina Bianca Gonzalez, Toni Gonzaga, at Mariel Rodriguez
  • Kamakailan, na-miss ni Bianca ang co-hosts na naging malalapit na kaibigan niya na rin sa tunay na buhay
  • Nagpakuha siya ng litrato sa tabi ng standee ni Mariel at ng litrato ni Toni; kinaaliwan ito ng netizens

Sa harap at likod man ng kamera, masaya palagi sa tuwing magkakasama ang Pinoy Big Brother hosts na sina Bianca Gonzalez, Toni Gonzaga, at Mariel Rodriguez; isa sa mga pinakapopular na trio sa showbiz industry.

Image via Bianca Gonzalez | Instagram

Kamakailan, na-miss ni Bianca ang mga co-host na naging malalapit na kaibigan niya na rin sa tunay na buhay. Dahil dito, nagpakuha siya ng litrato sa tabi ng standee ni Mariel at ng litrato ni Toni; kinaaliwan ito ng netizens.

“Miss you, @marieltpadilla, and miss ka ng Madlang People! Pose naman ako bukas sa picture mo sa hallway, @celestinegonzaga,” saad niya sa caption ng litrato niya kasama ang standee ni Mariel.

At iyon nga ang ginawa ni Bianca, “Kumpleto na! May picture din ako with you, @celestinegonzaga! Miss you both. See you soon.”

Marami ang natuwa at nawili sa ginawang ito ni Bianca. Tunay na nakatutuwa ang nabuong samahan ng tatlo bilang hosts ni “Kuya”.

Sa katunayan, nag-organize pa noong minsan ng isang playdate ang tatlong PBB hosts para sa mga anak nilang sina Lucia (kay Bianca), Isabella (kay Mariel), at Seve (kay Toni) para magkakilala raw at maging magkakalaro ang mga anak nila na noon ay batang-bata pa. Sa isang panayam, sinabi ni Mariel na naging mas malalim pa ang pagkakaibigan nilang tatlo noong naging nanay na sila.

“‘Yong friendship namin, I can say mas malalim because during the time na may isang naka-experience ng postpartum depression, napag-uusapan, mayroong someone that you can ask. It’s really a good support system. We also talk about our husbands,” aniya.

Images via Bianca Gonzalez | Instagram

Looking back! Ang tres marias ng PBB house na sina Bianca, Mariel, at Toni:


Loading...
Source :

Instagram, IG, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: