
- Usong-uso noon sa mga softdrink brand ang pamimigay ng iba’t ibang freebies at prizes sa pamamagitan ng tansan na nakatakip sa bawat bote
- Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang panahong nananabik sila sa tuwing bibili ng softdrinks
- Wika pa ng iba, “free” man o “try again” ay ayos lang sa kanila, susubok at susubok muli sila
Inaabangan mo rin ba noon sa tuwing bibili ng softdrink sa tindahan ang premyong makukuha mo sa tansan?

Usong-uso noon sa mga softdrink brand ang pamimigay ng iba’t ibang freebies at prizes sa pamamagitan ng tansan na nakatakip sa bawat bote.
Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang mga panahong kinasasabikan nila ang pagbili ng softdrinks sa tindahan dahil sa free na nakalagay sa tansan. Wika pa ng iba, “free” man o “try again” — suwertehin man o malasin — ay ayos lang sa kanila, susubok at susubok pa rin daw muli sila.
“Just look under the crown and win spectacular prices. What are you waiting for?” panggagaya ng social media user na si Reyson Hingada sa isa sa mga promotional material ng isang brand.
“Kami noon, kinabaliwan namin ‘yong promo ng Pepsi, iyong freebies nila ay sa sikat na grupo noon na Menudo,” ani Rizel Pedral.
“Naalala ko noon nang magpapalit ako nang free 8 oz Coke, pagbukas ko may free na naman. Pinapalitan ko, free na naman ulit. Nakaapat ako na 8 oz Coke. Ang swerte ko noong araw na iyon,” pagbabalik-tanaw ni Gene Macalaguing Obasa.
“Ako noon, madalas ako makakuha ng free Coke, ‘yong 8 oz, galit pa nga ‘yong tindihan kasi sa tuwing bubuksan ko iyong naipalit mayroon na naman,” kuwento ni Crisdhen Queja Manzano.
May mga nakaalala naman kung paanong hindi sila sinuwerte kailanman sa mga ganitong klase ng pakulo.

Ikaw, sinuwerte ka ba rito noon? Or palagi rin “try again” ang nakukuha mo?