‘First time together’: Julia Montes, makakasama si Arjo Atayde sa kanyang comeback serye

  • Makakasama ng nagbabalik na aktres na si Julia Montes ang kapwa Kapamilya star niya na si Arjo Atayde
  • Sa isang Instagram post, ibinahagi ni ABS-CBN AdProm Head Eric John Salut ang litrato ng dalawang tampok sa upcoming series na 24/7
  • Ikinatuwa ng marami ang pagbabalik-telebisyon ni Julia; mayroon ding mga nagsabi na bagay sila ni Arjo

Walang nang atrasan, wala nang bawian, talagang magbabalik-telebisyon na ang popular Kapamilya actress na si Julia Montes matapos nitong magpahinga pansamantala sa showbiz.

Image capture from Instagram

Bukod sa ikinatutuwa ng kanyang mga tagahanga ang pagbabalik niya sa industriya, masayang-masaya rin ang mga ito dahil agad nang sisimulan ni Julia na trabahuhin ang action-packed niyang comeback serye na 24/7. Kamakailan ay ibinahagi ni ABS-CBN AdProm Head Eric John Salut ang ilang litrato mula sa recent press conference para sa upcoming series na pagbibidahan ni Julia.

Isa sa mga larawang ito ang litrato ng aktres kasama ang kanyang kapwa Kapamilya star na si Arjo Atayde.

“First time together! @montesjulia08 and @arjoatayde in 24/7, soon!” saad sa caption ng litratong ini-upload sa Instagram.

Marami ang nagsabi na bagay ang dalawa at sa larawan pa lamang ay makikita na ang chemistry nila, idagdag pa ang husay nila pareho sa pag-arte.

“Wow, finally magkasama na ang dalawa kong idol na sina @montesjulia08 at @arjoatayde,” pagbabahagi ni @eonalyn413.

“Swak na swak ‘yong tambalan nila! Sana sa gabi ang palabas nila,” kumento ni @anochegecell_72096.

“Nakaka-miss si Julia,” wika ni @lovelyprincessv. “With Arjo pa! Excited to watch this!”

May mga nagsabi rin na tiyak na magiging maganda ang action-packed series dahil parehong puwede at kayang gumanap sa mga maaaksyong eksena.

Image capture from Instagram

Samantala, bagama’t masaya sa pagsasama nina Julia at Arjo ang marami, mayroon ding mga humiling na sana ay makagawa muli ang aktres at ang kanyang dating katambal na si Coco Martin.


Loading...
Source :

Instagram, IG

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: