
- Ibinida ng Maynila ang isang unmanned machine na makatutulong sa trabaho ng ating mga bumbero
- Ito ang LUF 60 o mas kilala bilang ‘Fir
efighting Robot’ - Taglay nito ang lakas at pressure na kayang pumuksa ng apoy na may taas na 50 hanggang 80 feet
Malapit nang magkaroon ng bagong ‘best friend’ ang ating mga bumbero — salamat sa isang bagong machine na tutulong sa kanila para rumesponde sa mga sisiklab na sunog sa Maynila!

Ito ang ‘Firefighting Robot’ na ibinida ng lokal na pamahalaan ng Maynila nitong ika-22 ng Enero 2020. Gagamitin ito para mas mapabilis ang pagpuksa ng sunog sa iba’t-ibang lugar sa lungsod.
Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang LUF 60 ay isang remote-controlled na unmanned firefighting machine. Kaya nitong patayin ang sunog dahil sa taglay na lakas ng pressure ng tubig at kakayahang abutin ang apoy na may taas na 50 hanggang 80 feet.
2019 noong bilhin ito ng Maynila sa halagang 40 million pesos mula sa Cosem Safety and Security Services Pte Ltd., isang fire safety product manufacturer sa Singapore. Kasama sa features ng robot ang thermal camera na puwedeng maka-detect ng apoy sa loob ng mga masisikip na iskinita at isang water fogger na magpapalamig sa area ng sunog habang pumapasok ang mga bumbero sa enclosed buildings.
Bukod pa rito, kaya rin nitong magbuga ng tubig na aabot sa 60 to 80 meters na distansya at mayroon itong sariling water cannon na may 360 nozzles.

Dagdag pa ng MDRRMO, makatutulong din ang firefighting robot para maiwasan ang peligro na maaaring harapin ng mga bumberong rumeresponde sa mga malalaking sunog.
“During the previous administration, there were lots of reports of injured firemen who were burned or suffocated while in the line of duty. We acquired this machine so that we can avoid those kinds of incidents,” pahayag ni MDRRMO Chief Arnel Angeles sa isang report.
Paglilinaw din niya, bago aktwal na gamitin ang firefighting robot ay kailangan munang sumabak sa trainings ang mga opisyal ng MDRRMO para alamin at busisiin nang mabuti kung paano i-operate ang machine.