Finally! Anak ni Dani Barretto na si Baby Millie, nakita na ng mga Legaspi

Images via Xavi Panlilio and Dani Barretto | Instagram
  • Ipinakilala na nang personal ni Dani Barretto sa mga Legaspi ang kanyang anak na si Millie
  • Ang popular celebrity lifestyle vlogger na si Dani ay anak ni Marjorie Barretto sa aktor na si Kier Legaspi
  • Mapapansing wala si Kier sa larawan ni Dani kasama ang mga Legaspi; matatandaang sa isang recent vlog ay sinabi niya na lampas kalahating dekada na silang hindi nagkakausap ng ama

Sa wakas ay nakita na ng mga Legaspi ang baby ng popular celebrity lifestyle vlogger na si Dani Barretto; anak ni Marjorie Barretto kay Kier Legaspi.

Image via Dani Barretto | Instagram

Sa Instagram, masayang ibinalita ni Dani na dinala niya kamakailan sa mga kapamilya niya sa side ng Legaspi si Baby Millie; ang supling nila ng kanyang non-showbiz husband na si Xavi Panlilio.

“My Legaspi Family finally meeting Millie,” saad niya sa kanyang IG story na nilakipan niya ng heart images.

Sa litrato, kasama ng maliit nilang pamilya ang tiyuhin niyang si Zoren Legaspi, aunt-in-law na si Carmina Villaroel-Legaspi, mga pinsang sina Mavy at Cassy Legaspi, lola, at iba pang mga kamag-anak nila.

Samantala, mapapansin namang wala sa larawang ito si Kier. Matatandaang sa isang recent vlog ay matapat na ibinahagi ni Dani sa kanyang mga followers na lampas kalahating dekada na silang hindi nagkakausap ng ama.

“To be honest, my dad and I never really had a solid relationship. All I know is he’s my dad and that’s it. We had like a brief relationship which was like two months. It was nice,” she said.

Ngayon ay masaya si Dani sa nagsisimula pa lamang na buhay-may pamilya. Katulad niya, itinuturing din na biyaya ni Xavi ang kanilang nasimulan kasama si Baby Millie.

Image capture from Instagram

Balikan ang masaya at nakaantig na kasalang Xavi at Dani sa video na ito ng bantog na si Jason Magbanua: