Facial cream na Chin Chun Su: Ang pampaganda ng maraming kababaihan noon

Image via Amazon
  • Kabilang sa mga kilalang beauty secret ng marami noon ang Chin Chun Su
  • Ginagamit ito ng mga kababaihan bilang pangontra sa acne, age spots, wrinkles, at iba pang imperfection sa mukha
  • Binalikan ng marami ang mga natatandaan nila sa popular at abot-kayang facial cream na Chin Chun Su

Pamilyar ka ba sa lightening facial cream na Chin Chun Su?

Image capture from Facebook

Kung hindi man nakagamit, karamihan ay pamilyar sa classic face cream na Chin Chun Su dahil naging napakapopular nito sa maraming kababaihan noon; pamilyar dahil gumagamit nito ang mga babae sa pamilya, pamilyar dahil minsan nang nautusang bumili sa tindahan o sa botika, pamilyar dahil nakikita sa mga kaklase at kaibigan, pamilyar dahil pinag-uusapan ito ng mga nagpapatotoo  na ito ay “certified beauty secret”.

Abot-kaya ang presyo pero subok na ang bisa, ginagamit ito ng mga babae bilang pangontra sa acne, age spots, wrinkles, at iba pang imperfection sa mukha. Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga natatandaan nila sa popular facial cream na ito.

“Tagal ko ginamit, hiyang sa ‘kin noon. Ang ganda ng face ko noon,” kumento ni Vecvec Mercado Barcelos.

“Ginamit ng ibang kaklase ko, ang kikintab ng mukha. Minsan lang ‘di maayos ang pagka-blend,” ani Lorie Pineda.

“Gamit ni Nanay,” pagbabahagi ni Halley Nichole. “Dahil ako naman ay elementary student lamang  that time, curious ako sa nilalagay ng nanay ko sa mukha niya, pinakialaman ko. Naubos at nagmukha akong white lady.”

Image capture from Facebook

“Lalo na kapag gabi, bago matulog,” kuwento ni Baby Wong. “Naalala ko tuloy pagpasok ng tita ko sa kuwarto namin, akala ko white lady sa sobrang puti ng face niya. Kinder pa lang ako noon, parang ayaw ko nang gumabi. Haha! Dahil magkatabi kami ng tita ko.”

Bagama’t hindi na gaanong nagagamit at nakikita, hanggang ngayon ay makabibili pa rin nito at mayroon pa ring mga loyal na hindi ito ipinagpalit kahit na marami nang bagong brands na nagsulputan sa mga pamilihan.