Ella Cruz at 2 miyembro ng Sexbomb NewGen, napahanga ang miyembro ng Blackpink sa kanilang dance cover

Imahe mula Instagram at Twitter / @ellacruz, @ItsAthenaBright
  • Tampok ngayon sa iba’t ibang social media sites ang video ni Ella Cruz habang sumasayaw sa kanta ng kilalang K-pop group na Blackpink
  • Ang video ay kuha sa isang event sa Indonesia kung saan ay nagkaroon ng kompetisyon para sa dance cover ng Blackpink
  • Makikita sa video ang pagkamangha ng mga miyembro ng Blackpink sa galing sumayaw ni Ella at 2 miyembro ng Sexbomb NewGen
Imahe mula kay Ella Cruz via Instagram

Nauuso ngayon online ang paggawa ng dance cover ng mga kilalang kanta ng artist: local man o international artists.

Hangad ng mga uploaders ng dance cover na mapansin sila ng mga artists o singers ng kantang kanilang sinayaw, at isa na marahil ang aktres at dancer na si Ella Cruz sa mga masusuwerteng natupad ang ganitong pangarap.

Si Ella kasi at dalawang miyembro ng Sexbomb NewGen na sina Eunice at Daphny ang mga kumatawan sa Pilipinas sa dance cover competition ng Samsung Galaxy A Awesome Live event sa Jakarta, Indonesia.

Imahe kuha mula sa video ni Ella Cruz via Instagram

Ang dance cover competition ay para sa mga kanta ng kilalang K-pop group na Blackpink, kung saan ang mga miyembro nito na sina Jennie, Rose, Jisoo, at Lisa ang mismong judges.

Sa video na ibinahagi ni Ella sa kaniyang Instagram account, sinabi niya na hindi sila makapaniwala sa naging reaksyon ng mga miyembro ng Blackpink sa kanilang dance cover.

Sa video kasi ay makikita ang main dancer ng grupo na si Lisa na manghang-mangha sa grupo nina Ella, Eunice at Daphny, samantalang si Jisoo naman ay makikitang napahanga sa galing ng kanilang dance moves.

Imahe kuha mula sa video ni Ella Cruz via Instagram

Dahil sa galing ng kanilang pagsayaw, nakuha ng grupo ni Ella ang “Awesome Cover” award at nagkaroon pa sila ng close encounter sa mga miyembro ng Blackpink.

Ayon sa 23 anyos na aktres, hindi umano sila makapaniwala sa naging paghanga ng Blackpink sa kanilang dance cover.

Grabe kinilig kami sobra! I remember nung pinapanood namin yung reaction ng Blackpink, talagang nagtilian kami na ganun pala yung naging reaction nila,” ani Ella sa interview niya sa PEP.

I-click ang imahe upang mapanood ang video sa Instagram

Sabi pa ng aktres, hindi umano maipaliwanag ang saya na kanilang nararamdaman dahil sa pagkapansin sa kanilang grupo. Ang manalo umano ng award ay dagdag na lang sa “blessing” na kanilang natanggap.

For me kasi, kahit anong award okay na kasi going to Indonesia and mag-perform sa harap ng BlackPink, yun na yung parang winning moment ko,” pagkukuwento ng aktres.

Panoorin ang full video performance nila dito: