Doktor sa China, hindi nakaligtas sa coronavirus

Imahe mula sa Twitter | China Global Television Network
  • Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus sa tao
  • Pumalo na rin sa 41 ang pumanaw dahil sa matinding outbreak na ito
  • Kabilang na rito ang isang doktor sa China na nangunguna sana sa paghahanap ng lunas para sa naturang virus 

Ilang araw na ang lumipas simula nang kumalat ang coronavirus sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Tumaas na rin ang bilang ng mga kumpirmadong kaso nito ngunit sa kasamaang palad, kahit ang mismong manggagamot sa China ay hindi nakaligtas sa naturang outbreak.

Imahe mula sa Twitter | China Global Television Network

Ayon sa ulat ng China Global Television Network, yumao nitong ika-25 ng Enero 2020 ang 62 anyos na doktor na si Liang Wudong. Si Liang ay isa sa mga doktor mula sa Hubei Xinhua Hospital na nasa ‘front line’ ng coronavirus outbreak. Ibig sabihin, isa siya sa mga nangunguna sa paggagamot ng mga pasyenteng nakakuha ng virus na ito.

Si Liang ay kasama na rin sa 41 na sinawim-palad dahil sa coronavirus. Sa ngayon, pumalo na sa 1,300 ang kumpirmadong bilang ng kaso nito sa buong mundo partikular sa China, France, Japan, Nepal, Singapore, Thailand, Vietnam, at United States.

Image may contain: one or more people and people sitting
Imahe mula sa Facebook | People’s Daily, China

Paliwanag ng mga health care officials, ang coronavirus ay halos katulad ng mapanganib na Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) na kumalat noong 2002 at 2003. Ilan sa mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, ubo, sipon, at kahirapan sa paghinga. Pinaniniwalaan din na nag-originate umano ang virus sa isang wet market sa Wuhan, China kung saan ibinebenta ang iba’t-ibang livestock at poultry kabilang ang ilang hayop gaya ng aso, hares, at civets.

Kasalukuyan namang nananatiling coronavirus-free ang Pilipinas kaya mas pinaigting ng gobyerno ang pag-momonitor sa mga paliparan lalo na sa mga pasaherong galing China. Inirekomenda na rin ng Department of Health na para maiwasang ma-infect ng virus, ugaliin dapat ng publiko na sundin ang ‘proper cough etiquette’, iwasan ang matataong lugar, at hugasan nang mabuti ang mga kamay.