
- Halos hindi na makilala ngayon ang dating Pinoy Big Brother teen housemate na si Bailey May dahil sa kaniyang major transformation
- Ang dating payat kasi na binata ay isa nang “hunk” ngayon dahil sa laki ng katawan at pagkakaroon ng mga muscles
- Si Bailey ngayon ay miyembro ng global pop group na Now United na nagtatanghal sa iba’t ibang panig ng mundo

Pamilyar ka ba sa salitang “glow up” na ginagamit ng mga kabataan ngayon at uso na rin sa social media? Ang ibig sabihin kasi ng “glow up” ay ang kumpletong pagbabago ng hitsura ng isang tao para sa ikabubuti ng kaniyang sarili.
Ngunit hindi lang basta nakabase ang “glow up” sa hitsura kundi pati na rin sa pangangatawan. Kahit sino ay maaaring makaranas ng “glow up” basta’t may tiyaga, disiplina, at kagustuhan na baguhin ang kaniyang sarili para sa kaniya na ring ikabubuti.

Isa sa mga pinag-uusapang “glow up” ay ang dating PBB teen housemate at Filipino-British na si Bailey May na nakilala rin sa tambalan nila ni Ylona Garcia at sa galing na rin niya sa pagkanta.
Noong 2017, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang BaiLona na nauwi sa pagkawatak ng kanilang love team. Nag-focus si Ylona sa kaniyang solo career at music samantalang pumunta naman sa Hollywood si Bailey at noong 2018 ay napabilang sa global pop group na Now United.

Sa loob ng mahigit dalawang taon, ang grupo ni Bailey ay nag-tour sa iba’t ibang bansa para magtanghal. Nito lamang 2019 ay bumalik si Bailey sa Pinas upang bumisita at magtanghal kasama ang grupo.
Sa kaniyang pagbabalik ay nilinaw ni Bailey ang hindi nila pagkakaintindihan noon ni Ylona. Sinabi rin niya na maayos na ngayon ang relasyon nila at magkaibigan na ulit sila ng dalaga.

Kapansin-pansin sa kaniyang pagbabalik ang pagbabago ng kaniyang pangangatawan na mas malaki na sa ngayon kumpara noon.
Ngayon ay 17 taong gulang na si Bailey at patuloy pa rin sa pagtatanghal kasama ang Now United. Ngunit kahit maraming ginagawa ay nakukuha pa rin niyang pumunta sa gym na makikita naman sa mga litratong kaniyang ibinabahagi sa Instagram.
Marami ang humanga sa naging “glow up” ni Bailey na noon ay payat na bata ngunit ngayon ay isa nang global hunk.