
- Isang lalake ang gumawa ng wave pool sa pamamagitan ng paglagay ng trapal at tubig sa likod ng elf
- Pinaabante at atras ang sasakyan para gumalaw ang tubig na tila umaalon
- Sumikat agad ang video na nagbigay ng kaaliwan sa mga netizens
Nauuso na ngayon ang wave pools. Ito ay ang pagkakaroon ng alon ng mga swimming pools kahalintulad ng sa dagat. Mas nagbibigay ito ng kakaibang adventure at excitement kung ilkukumpara mo sa ordinaryong swimming pool.

Ngunit paano kung sarado ang wave pool na nais mong puntahan? May magagawa ka ba?
Siyempre, dahil madiskarte ang Pinoy. ‘Yan ang nagpasikat sa isang video ni Mark Aquifer Nalangan sa Facebook na may kapsyon na “9 waves ba kamo? Tara na rito.”
Kuwento niya sa Definitely Filipino Buzz, gusto sana nilang pumunta sa wave pool para maligo at saktong bakasyon noon. Kaya lang, dahil holiday, sarado ang resort. Doon na sila nagka-ideya na imbes lumabas, gumawa na lang sila ng sarili nilang wave pool.
Napakahusay naman ng naisipan nila. Nilagyan nila ng trapal ang likuran ng elf at pinuno ng tubig. At doon sila nagtampisaw habang pinapaandar paabante at paatraas ang sasakyan. Aba’y parang wave pool nga naman! Habang gumagalaw ang sasakyan, umalon-alon naman ang tubig at tila isinasabay naman sila sa rito.

Pinakunan ni Mark ang mga pangyayari sa kanyang kapatid. Sa video, isang babae ang maririnig mong halos ‘di magkamayaw sa pagtawa.
Sa kasalukuyan nasa 93k na ang reactions nito, 1k comments at 114k shares. Gulat na gulat naman si Mark dahil hindi niya inaasaha na magiging viral ang video niya.
Nagkaideya ang ibang netizens na subukan. “ Gusto niyong magswimming.’ di ba? Ganito na lang. Budget friendly na, masaya pa.. Nahahahahaha,” hamon ni Riselle sa kanyang mga kaibigan.
“Maparaan talaga ang Piinoy. Proud to be po.”
Madiskarte talaga ang Pinoy. Kung mayroong gustong gawin na akala mo’y imposible, nagagawan pa rin ng paraan.
Ano sa tingin niyo? Papasa ba sa wave pool ang ginawa ni Mark?
Panoorin ang kanyang video rito.
