
- Nagsalita na ang ex-girlfriend ni Joem Bascon na si Crisha Uy tungkol sa kanilang hiwalayan
- Ikinuwento ng vlogger ang kanyang mga pinagdaanan at natutunan matapos matuldukan ang walong taon nilang pagsasama
- Ibinahagi rin ng vlogger ang mga payo niya kanyang “bisprins” na bigo rin sa pag-ibig
Nadur0g ang puso ng maraming netizens sa 11-minute vlog ng ex-girlfriend ni Joem Bascon na si Crisha Uy; kung saan ikinuwento ng vlogger ang kanyang mga pinagdaanan at natutunan matapos matuldukan ang walong taon nilang pagsasama.

“Hi, Bisprins! I’m sorry natagalan bago ako nakapag vlog about this. For the past three years, sinuportahan at minahal ninyo ako. Nagpapasalamat din ako sa love na pinakita ninyo sa amin ni Dodong (Joem) — sa mga kakulitan namin at minsan kakornihan. Naging part na rin kayo ng aming buhay. And now that we have come sa ending ng story ni Inday at Dodong, gusto kong makasama kayo sa pagsara ng chapter na ito,” saad niya sa caption ng vlog.
Noong nakaraang taon pa raw ay sinusubukan na niyang mag-vlog para sa kanyang mga “bisprins” (tawag sa kanyang followers) na nangungumusta, at maging nanghihingi ng payo kung paano niya kinakaya ang lahat. Gayunman, hindi niya ito magawa dahil masyado pa siyang emosyonal; na makikita rin sa ibinahagi niyang clips mula sa kanyang vlog attempts.
Bagama’t medyo emosyonal pa rin sa kanyang vlog nitong January 10, positibo pa rin ang mga pahayag ni Crisha; na hindi raw nagsisisi kahit na hindi nauwi sa panghabambuhay ang walong taong pagsasama nila.
“Hindi ko ni-regret na naging kami, at hindi ko ni-regret ‘yong eight years namin, kasi mahal ko naman siya,” wika ng vlogger, na hindi napigilang maiyak kaya saglit na umalis sa harapan ng kamera.

“Ako kasi, naniniwala din ako na kapag nagbe-break, may isang nang-iiwan at iniiwan. Mahirap sabihin, pero wala na tayong magagawa if he fell out of love. Hindi ko naman puwedeng pilitin ‘yong tao na hindi na ako mahal. Mahirap tanggapin, pero kailangan mong tanggapin. I don’t want to blame myself, kasi wala na tayong magagawa. That’s uncontrollable. Hindi nakokontrol iyon. Maybe we’re just not meant to be,” pagpapatuloy niya.
Ibinahagi rin ni Crisha ang mga payo niya sa kanyang “bisprins” na bigo rin sa pag-ibig.

“It’s normal to cry and it doesn’t mean na if you’re gonna cry na hindi ka na strong. It doesn’t make you weak. We are just human beings. Tao lang tayo na okay lang umiyak. Crying is part of the healing process. It’s okay to make yourself fragile para mabuo ulit ang sarili mo,” wika niya. “Mahalin mo iyong sarili mo at kahit nasa relationship ka, kailangan mong magtira para sa sarili mo. If magmahal man ako ulit, I will never forget to love myself. Hindi mo dapat ibinibigay ang buong-buo mo sa isang tao.”
Narito ang buong vlog ni Crisha: