Circus Charlie: Isa sa computer games na nagpakaba at nagpasaya sa mga batang 90s

Image capture from YouTube | Chilean Retrogamer
  • Isa ang Circus Charlie sa mga games na nagpakaba at nagpasaya noon sa mga batang 90s
  • Sa larong ito, tinutulungan ng players na malampasan ng clown na si Charlie ang lahat ng circus-inspired obstacles sa bawat level
  • Sa post ng isang page, binalikan ng marami ang mga alaalang kakabit ng Circus Charlie

Mga “young once”, natatandaan pa ba ninyo ang sikat na computer game noon na Circus Charlie? E ang emosyong nadarama ninyo habang naglalaro nito, sariwa pa ba sa inyong gunita?

Image capture from Facebook

Isa ang computer game na Circus Charlie sa mga larong nagpasaya at nagpakaba noon sa mga batang 90s. Sa larong ito ay tinutulungan ng players na malampasan ng clown na si Charlie ang circus-inspired obstacles sa bawat level. Dahil dito, para na rin nagiging mga sirkero ang mga naglalaro nito.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, inalala ng marami ang mga alaalang kakabit ng Circus Charlie, na inilabas bilang arcade game noong 1980s at sumikat nang husto bilang computer game noong 1990s. Sinimulan ng admin ang pagbabalik-tanaw, “‘Yong napapaangat ka sa upuan habang nilalaro mo ito.” At sumang-ayon sa kanya ang mga nagkumento.

“Ay, oo nga po! Haha!” natatawang sabi ni Wengski Caparas. “Ang sarap laruin niyan kaso lang paulit-ulit ako lagi!”

“Oo naman, admin,” tugon ni Gacutno D. Marites. “Nakakailang ulit bago malampasan ‘yan. Tapos mapapasigaw ‘pag nakakalampas. Nakaka-miss din.”

“‘Yong feel na feel mo ‘yong laro sa Circus Charlie, pati ikaw kulang na lang tumalon o umangat ‘yong controller mabuhay lang,” pagbabalik-tanaw ni Jennifer A. de Castro.

Samantala, ipinagmalaki naman ng iba kung gaano sila kahusay sa paglalaro nito at kayang-kaya nilang tapusin lahat ng levels.

Image capture from YouTube | Chilean Retrogamer

Balikan ang lahat ng lebel ng Circus Charlie sa video na ito na ini-upload ng Chilean Retrogamer: