Childhood memories: Nangolekta ka ba ng superhero stickers na free sa instant noodles?

Images via Batang Pinoy-Ngayon at Noon and Jeferson Torres Derla | Facebook
  • Kinaaliwan ng maraming bata noon ang pangongolekta ng superhero stickers na libre sa isang brand ng instant noodles
  • Binalikan ng marami ang sayang hatid ng bawat piraso ng sticker na kasama sa paborito nilang meryenda
  • May mga nagbahagi rin na namroblema raw ang kanilang mga magulang dahil kung saan-saan nila ipinagdididikit ang mga ito

Inaabangan mo rin ba noon ang superhero sticker na kasama sa bawat pack ng isang brand ng instant noodles?

Image capture from Facebook

Kinaaliwan ng maraming bata noon ang pangongolekta ng superhero stickers na libre sa Maggi Rich Mami Noodles.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang sayang hatid ng bawat piraso ng sticker na kasama sa paborito nilang meryenda. May mga nagbahagi rin na namroblema raw ang kanilang mga magulang dahil kung saan-saan nila ipinagdidikit ang mga ito at napakahirap daw minsan tanggalin sa kanilang appliances at dingding.

“Naalala ko, nagpapabili ako ng noodles pero sticker lang ‘yong gusto ko, hindi iyong noodles,” ani Nelson Trinchera, Jr.

“Alaala ng kabataan,” wika ni Lia Sthrel. “Nakadikit sa cabinet namin iyan kaya hanggang ngayon mayroon pa. Pero ewan ko kung saan na napunta iyong iba.”

“I love this. Napuno na ‘yong door ng ref dahil sa stickers. Nakaka-miss ‘to,” sabi ni JuiLyn Villa Subingsubing-Bagarino.

“Nakaka-miss din iyong mga ganitong simpleng bagay na napapasaya na tayo noon,” kumento ni Lander Flores.

“Tanda ko ‘to. Pina-package ng tatay ko ‘yong washing machine galing Saudi tapos nakita niya tinadtad ko ng stickers galing diyan. Sobrang nagalit ang tatay ko! Pinagtanggol ako ng nanay ko tapos sila naman ang nag-away! Hahahaha!” kuwento ni Jay Co-Babs.

Image capture from Facebook

Ikaw, nangolekta ka rin ba ng mga ito? Sulit din ba ang bawat bukas ng paborito mong noodles noon? Hanggang ngayon ba ay may mga naitabi ka pa sa mga ito? Ibahagi ang iyong kuwento!