
- Inalala ng Facebook page na KODA BOIS ang mga karanasan sa paglalaro ng computer games noon
- Sang-ayon ang mga netizens na iba pa rin ang paglalaro sa computer shop kahit na may sarili na silang computer ngayon
Kung mayroon tayong mga batang 80s at 90s, kilala rin ang mga batang 2000s o Generation Z. Sila ang generasyon na dinatnan ng pag-uso ng mga computer games.

Tampok sa Facebook page na KODA BOIS ang kahibangan ng paglalaro nito. Nagbahagi ito ng larawan kung saan punung-puno ng kabataang lalake ang isang computer shop dahil nakikinood sa mga naglalaro o ‘di kaya’y naghihintay na mabakante ang ibang upuan para makapaglaro.
Ayon sa page, ”Good old days! ‘Yong paunahan pa kayong mag barkada para sa bakanteng pc o mag papabukas ka ng pc sa barkada mong naka una na sa shop para di ma upuan ng mga bata.”
Limitado lang minsan ang bilang ng kompyuters noon sa isang shop kaya naman kailangan ng diskarte para makakuha agad ng puwesto.” Binalikan nito ang alaala ng mga panahong iyon, ”Yong headset na amoy tenga na at kalamansi na sa asim. ‘Yong keyboard na burado na ‘yong mga letra, kasama pa ‘yong spacebar na sa spring na lang kumakapit.”
Umuuwi lamang sila kapag kakain ngunit minsan, wala nang uwian. Dagdag nito, “At pinakamasaya ‘yong trashtalkan ng barkada kung sino ‘yong pinaka bobo siya ‘yong pulutan sa kuwentuhan. Hahahaha. Mapapatawa ka na lang pag naaalala mo ito.” Ngunit dahan-dahan nang kumonti ang mga kabataan na naglalaro ngayon sa labas.
Sabi nito, ”.Tumatanda na ang mga batang ito’ at naging abala na dahil kailangan nang harapin ang tunay na laro ng buhay.”

Sang-ayon naman dito ang mga Gen Z na netizens.
“Every Christmas, sa computer shop na kami nagpapasko and the memories will remain forever.”
“Kapag middle class “KUYA PROMO 3 HRS. Kapag yayamanin “KUYA OPEN TIME”. Kami na tambay comshop: ‘Aba mayaman’.”
” Hello Dose Barkada. RF, Tantra, ROSE, HoN, Luna, Fiesta, Gunbound, Ran etc. Those games have been a big part of my childhood days while growing up. The memories I had with friends while playing anything we all agreed to will always be a special part of me.”
Saan man sila dinala ng mga karanasan nila noon, hindi makalilimutan ng isang Gen Z na kasama ito sa bumuo ng kanyang mga masasayang alaala ng kinahiligan ng mga kabataan ng panahong iyon.