
- Naghatid ng inspirasyon sa libo-libong netizens ang board topnotcher na si Jao Jundam
- Sa isang post, ibinahagi niya na naging tagalinis siya ng banyo sa Australia at pumasok sa iba’t ibang trabaho
- Ngayon ay naging maganda na ang takbo ng karera niya, baon ang mga natutunan niya sa kaniyang mga pinagdaanan noon
Walang sinuman ang may proteksyon sa mga laro ng buhay at biro ng kapalaran — ngunit pinatunayan ng isang Pinoy na gaano man karaming pagsubok ang dumating ay walang makatitinag sa taong matatag, determinado, at may matapang na puso.

Sa Facebook, ibinahagi ni Jao Jundam kung gaano karami muna ang pinagdaanan niya bago naging isang ganap na nurse.
“Board topnotcher ako sa Pilipinas at naging toilet cleaner ako sa Australia. And I’m proud of it,” saad ni Jundam sa caption ng mga litratong ibinahagi niya.
Wika ng 25-year-old, simula noong lumipad siya patungong Australia ay iniisip ng karamihan na mapalad siya.
“They think everything was smooth and easy when I moved here. Of course, most of my posts are about me travelling the world, achieving goals in my acads and career, eating the best food the world can serve and smiling widely in front of the camera,” aniya. “Little did they know that before I have started travelling the world, I have to walk for one hour in the freezing cold winter morning of Canberra just to work and sell fish in Belconnen market.”
“Yes, I was also a fish vendor. I also have to fry ‘liempo’ under the blazing hot summer of Canberra during its annual Noodle Markets. Yes, I was also a barbeque boy, a waiter, a personal care provider, a cashier, and many more. Haha! I have to endure the extremes of weather to earn enough money to help my family pay my expenses during my stay in Canberra,” pagpapatuloy niya.

Marami rin daw siyang hinarap para matapos ang kanyang bachelor’s at master’s degrees, at magkaroon ng stable nursing job.
“And as an ‘above average’ student in the Philippines when it comes to academics, little did they know that my self-esteem went down the drain many times in a way that I have to drown myself just to get it back,” kuwento pa niya.
“Little did they know that before I was able to smile widely in front of the camera again, many times, I have to look at myself in the mirror in tears while asking, ‘Kaya ko pa ba?’ But with every time I ask myself that question, I will always answer myself back saying, ‘Kaya ko pa. Ako pa ba?'”
Ngayong tagumpay na, payo ni Jundam sa mga katulad niya ang pinagdadaanan, “Start from the bottom. Walang maliit na gawain o trabaho kung marangal. Then when you’re up there, look down and help those who are struggling to climb up.”
Pinasalamatan din niya ang kanyang pamilya sa patuloy na pagmamahal at suporta sa kanya.