Bilang ng mga single dito sa Pinas, mas marami umano ang mga lalaki

Imahe mula Pixabay
  • Ayon sa nakuhang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa mahigit 34 milyon katao na ngayon ang bilang ng mga single sa Pinas
  • Ang pinakamarami umanong single ay mga lalaki, at ang rehiyong ARMM at Quezon City ang mga lugar umano na  mayroong pinakamaraming single
  • Ayon pa sa UP Population Institute, marami na umanong kabataan ngayon ang mas pinipiling maging single dahil sa pag-iba ng kanilang pananaw
Imahe mula Pixabay

Hindi lang ang mga magkasintahan ang nagdiriwang ng kanilang monthsary o anniversary, dahil maski ang mga taong walang kasintahan ay nagdiriwang na rin ng “Singles’ Day.”

Ang tinaguriang “Singles’ Day” ay nagsimula sa China noong 1990s bilang selebrasyon ng mga college students na walang karelasyon o nananatiling single, at bilang pangontra na rin umano sa Valentine’s Day.

Dito naman sa Pilipinas, nakarating na rin ang pagkakaroon ng “Singles’ Day” na ipinagdirawang tuwing November 11 o 11-11. Sa araw umano na ito ay binibilhan ng mga single ang kanilang sarili ng regalo.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Kaya namang nitong nakaraang Nobyember 11 ay nagkaroon ng kaliwa’t kanang 11-11 sale sa mga online shopping site. Ito umano ay para sa mga single na nais regaluhan ang kanilang mga sarili.

Sa ulat ng 24 Oras ng GMA network, lumabas sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa mahigit 34 milyong katao na dito sa bansa ang mga single.

Ayon rin sa datos, lumalabas na mas maraming mga lalaki ang walang karelasyon kumpara sa mga babae. Nasa mahigit 18.8 milyon ang single na mga lalaki, samantalang mahigit 15.9 milyon naman ang mga babae.

Imahe mula Pixabay

At kada rehiyon, lumabas na pinakamaraming single sa ARMM, at sa Metro Manila naman ay makikita sa Quezon City ang pinakamaraming single na umaabot sa mahigit isang milyon.

Kamakailan naman ay ibinahagi ng Hollywood actress na si Emma Watson na mas maigi umanong tawagin na ‘self-partnered‘ ang mga single.

Ayon naman sa UP Population Institute, dumarami ang mga kabataan ngayon na mas pinipiling maging single dahil sa pag-iba ng kanilang papanaw.

It’s probably change in perception of young people regarding marriage. Mas mataas ang natatapos nilang pinag-aralan, at mas marami sa kanila ang naghahanap ng trabaho at mayroon silang mga career and they earn, so mas masaya sila,”  ani Prof. Nimfa Ogene ng UP Population Institute.

Panoorin: