Batang maagang tumayong “ina” ng pamilya, nagkita na ng kanyang tunay na ina

I-cllick ang imahe upang mapanood ang video ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) via Facebook
  • Ipinost ni Keiner sa social media ang tungkol sa 11 taong gulang na babae na siyang nag-aalaga ng kanyang sanggol na kapatid
  • Itinampok ito ng KMJS sa kanilang programa at natunghayan ang  kuwento ng batang babaeng si Rhea
  • Naging daan ang KMJS upang magkita muli sina Rhea at ang kanyang tunay na ina

May mga batang maagang nabibigyan ng responsibilidad dahil sa mga ‘di inaasahang pangyayari.

Imahe via Keiner Legaspi Espinola | Facebook

Sa post ni Keiner Espinola sa Facebook, nakilala niya ang isang batang babae na may bitbit na sanggol sa isang clinic. Naantig siya sa kuwento nito. Siya pala si Rhea Oraiz, 11 taong gulang at taga Danipas, Mangagoy, Bislig City. Ilang araw bago magpasko, nawalan siya ng ina dahil sa sakit na high bl0od kaya siya ngayon ang nag-aalaga sa kanyang kapatid na ipinanganak pa man din na premature. May ubo pala ito kung kaya’t naroon sila upang magpa-check up.

Wala raw trabaho ang kanyang ama kaya napakahirap isipin kung paano sila nakararaos. Ipinost ni Keiner ang kuwentong ito upang makarating sa iba ang kanyang kuwento at baka may makatulong. Nais man niyang tumulong, wala rin siyang trabaho. Agad namang nag-viral ang post na iyon.

Itinampok sa Kapuso Mo Jessica Soho ang kuwento ni Rhea. Natunghayan kung paano niya pinagsasabay ang pag-aalaga sa kanyang dalawang kapatid na sina Isaac, apat na taong gulang, at ang sanggol na si Isaiah. Parating wala sa bahay ang kanyang mangingisdang ama kung kaya’t siya ang nagbabantay ng kanyang mga kapatid. Mabuti na rin at kasama nila sa bahay ang kanilang lola.

Imahe kuha mula sa video ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) via Facebook

Napag-alaman ding hindi niya pala tunay na ina ang lumisan na si Mary Rose.  Walong buwan pa lamang siya,  habang nasa piitan ang kanyang ama,  iniwan siya ng kanyang tunay na ina na si Algie,

Natunton ng KMJS si Algie sa Tangub City, Misamis Occidental. Kuwento ng ina, hindi sila nagkakasundo ng kanyang biyenan kaya siya umalis. Labis ang kanyang pag-aalala sa anak ngunit hindi niya ito kayang buhayin mag-isa. At sa araw-araw na hindi niya kasama ang anak, namimiss niya umano ito.

Naging daan ang programa upang muling magkita ang mag-ina makalipas ang ilang taon, Pumayag na rin ang ama ni Rhea na makasama ni Algie ang kanyang anak. Masayang-masaya si Rhea sa muling paghaharap nila dahil matagal na siyang nangungulila rito.

Dumating din si Keiner at nagbalita na papag-aralin siya hanggang senior highschool ng kanyang pinsang nagtatrabaho sa Macau.

Masaya kaming natupad ang matagal nang hangarin ni Rhea na makita ang kanyang ina.

Narito ang kuwento ni Rhea.

I-click ang imahe upang mapanood ang video ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) via Facebook