Balikan: Bakit hindi mo dapat subukan ang “over the bakod?”

Imahe mula kay Carlos Dave via Facebook
  • Ibinahagi ng isanng netizen ang larawan ng isang paaralan, ang mga estudyante ay malapit sa bakod at sa kabilang bahagi nito ay tila may nakabantay
  • Ang litrato umano ay hango sa “high school life” kung saan ay umaakyat ng bakod ang mga estudyante upang lumiban sa klase
  • Ang tawag dito ay “over the bakod” na alam na alam ng halos naging estudyante noong high school

Maraming alaala ang hatid ng high school para sa mga dating estudyante na nakaranas nito. Ang mga alaalang ito ay maaaring maganda, masaya, nakalulungkot, o nakakatakot.

Imahe mula Freepik

Isa na marahil ang buhay sa high school na may pinakamaraming pangyayari. Ito na kasi ang panahon na dumadaan sa pagkabinata at pagkadalaga ang mga estudyante.

Bukod pa roon, mayroong mga nagiging pasaway at nagdadaan sa kanilang “rebel stage” tuwing tumutuntong sa HS. Idagdag na rin ang kuryusidad at “peer pressure,” mayroong mga bagay na hindi magaganda at karapat-dapat sa kanilang edad ang nagagawa ng mga estudyante sa HS.

Maaaring ang mga ito ay ang pagkakaroon ng bisyo, pakikipagrelasyon nang patago, pagkatutong uminom ng alak, pagka-cutting classes, at iba pa.

Imahe mula Freepik

Ngunit isa na marahil sa pinaka-hindi katanggap-tanggap na maaaring gawin ng isang estudyante sa high school ay ang pag- “over the bakod” upang hindi pumasok sa mga klase.

Ibinahagi ng netizen na si Carlos Dave sa Facebook group na Memories of Old Manila ang litrato sa loob ng paaralan. Makikita dito ang mga estudyanteng malapit sa bakod, at sa kabilang bahagi naman ng bakod ay may nakabantay na tila isang guro.

Nilagyan ito ni Dave ng caption na: Kapag Nag “Over the Bakod” ka yari ka! Marami naman sa mga netizen ang #relate sa litratong ito ni Dave.

Imahe mula kay Carlos Dave via Facebook

Karamihan sa mga nag-iwan ng komento sa litrato ay nasubukan na umano ang mag “over the bakod,” ngunit hindi na kailanman inulit pa dahil sa naghihintay na parusa kung mahuhuli sila.

Hindi naman ipinapayo ang pagsubok ng “over the bakod” dahil bukod sa maaaring mahuli ng guro o ng guwardiya ng paaralan, maaari din itong dahilan para mapahamak ang estudyante. Kaya ang ibang paaralan ay may matataas nang bakod na nilagyan pa ng barbed wire.