
- Naging sobrang popular noon ang 1985 song na Somewhere In My Past
- Bukod sa pagiging isang magandang kanta, sikat na sikat din kasi noon na si Julie Vega
- Bago yu
mao noong 1985 ay halos isang dekadang ring namayagpag ang showbiz career ni Julie
Natatandaan mo pa ba ang hit 1985 song na Somewhere In My Past? Hanggang ngayon, kahit ilang dekada nang wala ang kumanta nito na si Julie Vega ay buhay pa rin ang awit na ito sa puso ng kanyang mga tagahanga; nagbabalik ng maraming alaala, waring binubuhay muli ang idolo nila.

Salamat sa mga Facebook pages na patuloy na nagbabahagi ng mga lumang larawan at video, katulad na lamang ng Pinoy Klasik na kamakailan ay ini-upload ang isang video ng late celebrity na si Julie habang kinakanta ang Somewhere In My Past. Dito, bagama’t marami ang nangulila ay marami rin ang natuwa dahil para raw nagbalik kahit sa ilang minuto ang iconic Pinay singer-actress.
Si Julie Vega at ang makulay niyang karera
Nagsimula bilang commercial model sa edad na anim na taong gulang lamang, pinatunayan ni Julie na hindi lang siya biniyayaan ng mala-anghel na mukha nang sunod-sunod siyang naging bahagi ng mga pelikula at teleserye dahil sa husay niya sa pag-arte, hanggang sa kalaunan ay naging isa na siyang ganap na bida.
Bago yumao noong 1985 ay halos isang dekadang ring namayagpag ang showbiz career ni Julie bilang isang mahusay na aktres at mang-aawit. Ilan sa mga pinagbidahan niya ay ang teleseryeng Anna Liza at ang mga pelikulang Mga Mata ni Angelita (1978), Flor de Liza (1981), at Lovingly Yours, Helen: The Movie (1984); habang kabilang ang Somewhere In My Past sa mga awiting pinasikat niya.

Isa ka ba sa mga nais muling mapanood ang popular teen singer-actress na si Julie Vega? Narito ang isa sa kanyang mga performance:
