Balik-tanaw: Sumakit din ba ang ulo ninyo sa kakamemorya ng Periodic table of elements?

Imahe via Batang Pinoy- Ngayon at Noon via Facebook at Canva
  • Sa post ng Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga netizens ang kanilang alaala sa pagmememorize ng periodic table of elements.
  • Sumakit man ang kanilang mga ulo, masaya naman sila sa mga naging karanasan sa pag-aaral nito

Paborito mo ba ang chemistry? Gustuhuin mo man o hindi, wala kang takas dito dahil lahat ng estudyante ay dadaan dito lalo na ang pagmemorya ng periodic table of elements.

Imahe via Batang Pinoy- Ngayon at Noon

Natatandaan mo pa ba kung paano mo minemorize ang mga nakalilitong symbols ng mga chemical elements? ‘Yan ang pinag-usapan sa post ng Batang Pinoy – Ngayon at Noon Facebook page. Inupload nito ang periodic table of elements at ‘di dinagsa ito ng mga ‘di malilimutang  karanasan ng mga netizens.

“Ang nagpasakit ng ulo ko noong 3rd year high school ko. Mamemorize ko lang ‘yan dahil sa takot kasi terror ng teacher ko sa chemistry.  Matutulog na lang ako sinasaulo ko pa ‘yan. Pa’no isa-isa kaming tatawagin ni teacher noon. High school life, sarap balikan.”

May isa namang nagsabing hindi niya raw ito nagamit sa paghahanap ng trabaho. “Sa lahat ng table, itong table na ito ang nagpasakit ng ulo ko. Samantalang kahit minsan hindi tinanong sa mga naging job interview ko ano ang chemical symbol ng Magnesium, Lithium, Sulfur, Lead, Oxygen.”

Sa mga nahirapan itong sauluhin, may mga pinatakbo sa labas.  “Jusko eto na naman. Napatakbo kami ng ilang ikot sa track and field dahil di kami nakakabisado. Hahahahah. Ang saya tumakbo nang nakablack shoes sa buhangin.” Napatakbo man pero nag-enjoy naman.

Imahe via PIxabay

Narito naman ang kakaibang ginawa ng isang netizen upang masaulo ito.

“3rd year kami kinabisado namin ‘yan sa loob lamang ng 60 seconds.. Ang ginawa ko noon nirerecord ko muna sa phone ko. Tapos pinapakinggan ko. Kaya madali ko siyang na memorya.” Ang galing!

Sa mga naguguluhan dahil hindi ito nagagamit sa totoong buhay, may sagot ang isang netizen.

“May mga chemical symbols na nakikita natin sa mga medicinal drugs kaya at least may alam tayo kung ano ang content niya kaya ‘di totoo ‘yong walang silbi kung bakit pinamemorized pa ni ma’am ang mga iyan.”

Hindi bale nang nahirapan, naging bahagi naman ito ng mga masasayang alaala ng ating buhay- estudyante.