
- Naging sobrang popular noon ang commercial tungkol sa lalaking nagbigay ng kalahating piraso ng biskwit sa isang matandang namamalimos na isa palang diwata
- Sa ad na ito, red sports car ang hiningi ng binata sa diwatang nag-alok sa kanya ng gantimpala; nakuha niya ito ngunit kalahati rin lamang
- Sa post ng page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang classic commercial ng Fita
Kapag nagbigay ka, dapat lubusin mo na — ito ang aral na itinuro noon sa marami ng popular “Red Sports Car Commercial” ng Fita.

Naging sobrang sikat noon sa mga Pilipino –at hanggang ngayon ay binabalik-balikan pa rin– ang isang patalastas na nagtatampok sa binatang nagbigay ng kalahating piraso ng biskwit sa isang matandang namamalimos; na isa palang diwata na may kakayahang tumupad ng mga kahilingan. Agad na nag-anyong diwata ang matandang babae nang makain nito ang piraso ng biskwit mula sa binata.
“Dahil sa busilak ang iyong puso, isang kahilingan,” sabi ng diwata sa nagbigay ng pagkain sa kanya.
Manghang-mangha man sa mga nangyayari ay humiling din kaagad ang lalaki. Aniya, “Sports car, ‘yong red.” Ipinagkaloob naman sa binata ang kahilingan nito — ngunit kalahati rin na sports car ang ibinigay sa kanya.
Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang classic commercial na ito ng Fita.
“Hahahahaha! Lesson learned. ‘Pag may humingi, bigyan mo nang buo,” kumento ni Lyet Marquez.
“Isa sa mga paborito kong commercial. Ginaya pa namin sa play namin sa school,” pagbabahagi ni Maghz Rosales Magbanua.
“Ay, oo nga naman! Tanda ko ‘yan!” wika nng social media user ma si Rufino Siosonf. “Kung bakit kasi ‘di pa binuo ang kotseng pula. Hinati pa kasi!

May mga humiling din na sana lahat ng patalastas sa kasalukuyan ay katulad din ng classic commercial na ito na mayroong maibibigay na aral sa mga makakapanood.
Balikan! Ang classic na patalastas ng Fita, na tinatawag ng marami na “Red Sports Car Commercial”: