
- Iba-iba man ang tawag sa matigas na tinapay na madalas ipares noon sa mainit na kape, isa lamang ang papel nito: ang kumpletuhin ang almusal ng mga mahihilig dito
- Tinatawag itong “matigas na tinapay” ng karamihan; ang iba naman ay “kingkong”, “tenga”, “bagumbayan”, “atay-a
tay”, “radyo-radyo”, at iba pa
Sa isang FB page, binalikan ng marami ang paborito nilang isawsaw noon sa kape.
Hindi mabilang ang mga almusal na kinumpleto ng matigas na tinapay na madalas ipares noon sa mainit na kape.

Bukod sa “matigas na tinapay” na tawag dito ng karamihan, may mga iba pang tawag sa pagkaing ito: “kingkong”, “tenga-tenga”, “bagumbayan”, “atay-atay”, “radyo-radyo”, at iba pa. Iba-iba man ang tawag sa matigas na tinapay na madalas ipares noon sa mainit na kape, isa lamang ang papel nito: ang kumpletuhin ang almusal ng mga taong mahihilig dito.
Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang matigas na tinapay na paborito nilang isawsaw noon sa kape. Anila, hindi lamang ito masarap, abot-kaya at nakabubusog din.
“Sa Negros. Tawag sa amin ay Kingkong. Hanggang sa pagtanda ko, hindi ko matikim, ni hindi ko alam bakit naging kingkong yan,” pagbabahagi ni Merlyn Eloro Madregalijo.
“Basta masarap siyang isawsaw sa kape,” ani Blessy Adan Agra. “Kapag bibili ako, itinuturo ko lang, kasi hindi ko alam tawag diyan.”
“Noong bata pa ako nakakain niyan,” kuwento Lhet Baula Almeda. “Masarap iyan, unahin ko muna kainin ang gilid gilid n’yan.. Sa Balilibot kagat-kagatin at pag ubos na yung matigas, naman malambot ang kainin ko.”
“Naalala ko itong tinapay na ito. Noong maliit pa ako, ito palagi kong binibili,” wika ni Rosalie Sasa Faeldonea.

Mayroon pa rin naman daw gumagawa ng ganitong klaseng tinapay, bagama’t hindi na kasing dami ng mga nagtitinda nito noon.