Balik-tanaw: Ang iconic 7 Up cartoon na si Fido Dido na minahal ng napakarami noon

Image capture from Youtube video
  • Minahal ng marami noon ang iconic 7 Up cartoon character na si Fido Dido
  • Sa Facebook post ng Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang panahong pinasasaya sila ng karakter na naging mukha ng softdrink brand
  • Si Fido Dido ay nilikha nina Joanna Ferrone at Sue Rose noong 1985 at naging lisensyado sa ilalim ng PepsiCo noong 1987; sumikat ito noong 1990s

Kinaaliwan at minahal mo rin ba noon ang 7 Up cartoon na si Fido Dido?

Image capture from Facebook

Minahal ng marami noon ang iconic 7 Up cartoon character na si Fido Dido. Nilikha nina Joanna Ferrone at Sue Rose noong 1985 at naging lisensyado sa ilalim ng PepsiCo noong 1987, sumikat ang karakter na ito noong 1990s.

Sa Facebook post ng Batang Pinoy – Ngayon at Noon., binalikan ng mga “young once” ang panahong pinasasaya sila ng karakter na naging mukha ng softdrink brand. Sa text na nakalagay sa litratong ibinahagi ng page, mababasa ang, “Ako nga pala iyong minsan mong iginuhit.”

“Iyong mga card na ibininigay ko noon sa mga friend ko puro Fido Dido,” kuwento ng isa sa mga social media user na si Gina Garcia Saldi.

“‘Yan ang design ng bag ko noong teenager pa ako. Si Fido at saying na ‘normal is boring’,” ani Louisiana Ignacio.

“Paborito ko iyan. Inaabangan ko lagi ang patalastas ng 7 Up,” pagbabahagi ni Mike Dadivitan.

Samantala, may mga nagsabi rin na bukod sa kinagigiliwan nila si Fido Dido at ang kanyang kuwento, isa rin sa pangunahing dahilan kaya nila iginuguhit nila ito ay dahil napakadali lamang nitong iguhit. Wika ng ilan, kahit hindi sila biniyayaan ng talento sa sining ay madali lamang nilang nagagawa ito.

May mga nagsabi rin na maging ang simpleng si Fido Dido ay hindi pa rin nila maiguhit nang maayos.

Image capture from Youtube video

Balikan ang 1991 7 Up commercial na nagtatampok sa cartoon character na si Fido Dido: