Balik-tanaw: Alaala ng mga tape na hindi naisauli sa video rental shops

Images via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. and Video 48 Blogspot
  • Noon ay usong-uso sa mga tao ang pagrerenta ng tape ng mga pelikula
  • Kanya-kanya ang dahilan ng mga nagrerenta: may hindi naabutan ang pelikula sa sinehan, may mga hindi kayang manood ng sine, may mga gustong ulitin ang napanood, at iba pa
  • Sa post ng Batang Pinoy – Ngayon at Noon, inalala ng social media users ang mga pagkakataong hindi nila naisauli ang mga tape ng pelikula na nirentahan nila noon sa video rental shops

Isa ka ba sa mga nagrerenta ng tapes ng pelikula sa video rental shops? May mga hindi ka ba naisauling tape na matagal mong naitago o hanggang ngayon ay nasa iyo pa?

Image capture from Facebook

Noon ay usong-uso sa mga tao ang pagrerenta ng tape ng mga pelikula. Kanya-kanya ang dahilan ng mga nagrerenta: may hindi naabutan ang pelikula sa sinehan, may mga hindi kayang manood ng sine, may mga gustong ulitin ang napanood, may mga gustong panoorin ang isang pelikula kasama ang pamilya o kaibigan o special someone, at marami pang iba.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, inalala ng mga social media users ang mga pagkakataong hindi nila naisauli ang mga tape ng pelikula na nirentahan nila noon at hindi na naibalik pa kailanman; hanggang sa nalaos na ang mga “tapes for rent” at nauso ang pagda-download ng movie sa pamamagitan ng internet, na sa kalaunan ay pinalitan din naman sa trono ng online movie streaming sites at apps.

“Relate much! Nag-rent ako sa Video City tapos hindi ko na ibinalik. LOL,” pagbabahagi ni G.C.M.

“Nangyari iyan sa amin ni Papa ko,” ani M.A.B.

“Oo, tapos paparentahan din sa kapitbahay,” kumento ni A.L.

Image capture from Facebook

Mas marami naman ang talagang tinitiyak daw na maisasauli ang hiniram dahil dapat naman talaga ay sinusunod ang mga patakaran ng shop. Mayroon namang sinisiguro ang pagsasauli dahil ayaw magbayad ng penalty.