
- Tutulong ang former PBB housemate na si Myrtle Sarrosa sa mga apektado ng Taal Volc
anoeruption - Sa press conference ng una niyang endorsement para sa taong ito, sinabi ng actress-cosplayer na bahagi ng talent fee niya rito ay mapupunta sa mga naapektuhan ng pag
putok ng bulkan kamakailan - Pagbabahagi niya, ilang buwan pabalik ay nagtungo siya sa Taal a nakita ang sitwasyon doon
Isa ang former Pinoy Big Brother housemate na si Myrtle Sarrosa sa mga magbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal kamakailan.

Sa press conference ng una niyang endorsement para sa taong ito, sinabi ng actress-cosplayer na bahagi ng talent fee niya rito ay mapupunta sa mga naapektuhan ng pagputok ng bulkan. Pagbabahagi niya, ilang buwan pabalik ay nagtungo siya sa Taal at noon pa lamang — bago pa man ang malagim na pagsabog nito — ay nakita na niya ang sitwasyon doon.
“I will give a part of the blessings na binibigay sa akin ni God to all the victims, kasi I went to Taal few months back and nakita ko talaga. Kasi when we went there, talagang nilakad namin going up there. Nakita namin na walang kuryente and nakita ko ‘yong iba’t ibang animals na nandoon,” pagbabahagi ng aktres.
At lalo lamang siyang nahabag sa mga ito ngayon naapektuhan na ito ng nasabing kalamidad.
“Naaawa talaga ako everytime na nakikita ko ‘yong post ng PETA (People for the Ethical Treatment of Animals), I really feel sad. So, I do hope na ma-rescue ‘yong animals,” ani Myrtle.

Hangad din ni Myrtle ang kaligtasan ng mga Pilipinong nasa mga apektadong lugar. Wika ng celebrity, “I do hope that lahat ng mga kababayan natin na nandoon ay safe. And I’m glad na ang daming compassion from our fellow Filipinos para sa kanila.”
Narito ang video ng Random Republika mula sa press conference ng Nouve Perfume kamakailan: