Babaeng sabik na sabik kainin ang popular na tsokolate, nagulat sa nakitang laman nito

Imahe via Bea Jeon | Facebook
  • Isang kahon ng sikat na Ferrero Rocher ang nakita ni Bea sa ref at agad itong pumunta sa kuwarto upang kainin ito
  • Laking gulat niya nang balatan ang tsokolate dahil kalamansi pala ang laman nito
  • Ipinost ni Bea sa Facebook ang kanyang kuwento at nabuking kung sino ang may gawa nito

Mahilig ka ba sa tsokolate? Nakapagpapasaya ang pagkain nito dahil itinataas nito ang dopamine sa ating katawan.

Imahe via Pixabay

Ang sarap naman talaga ng tsokolate, ‘di ba, lalo na kung ito ay isa sa mga kilalang brand kagaya ng Ferrero Rocher.  Ang tsokolateng ito ay karaniwang nireregalo sa mga espesyal na okasyon o ‘di kaya’y pinapasalubong ng iba na umuuwi galing sa ibang bansa.

Kaya naman sabik na sabik umano si Bea Jeon nang makakita siya ng isang kahon ng Ferrero Rocher sa kanilang bahay. Kuwento niya sa kanyang Facebook account, “Nagtago pa ako sa kuwarto para hindi ako makita ni mama tapos pagbukas ko eto lang pala laman. Mga diablo kayo!”

Imahe via Bea Jeon | Facebook

Nang inalis niya ang balot, imbes na ang katakam-takam na tsokolate ang laman nito, kalamansi ang bumulaga sa kanya! Hahaha. Na-prank si Bea. Hindi nabanggit sa kanyang post kung sino ang may pakana nito ngunit malamang isa lang iyon sa mga kasama nila sa bahay. Malamang din na tawang-tawa ito at naging matagumpay sa kanyang kalokohan.

Ayon kay Bea, “Noong nakita ko, gusto ko sumabog at sabihin ang masasamang words. Unti-unti ko pang binubuksan, kalamansi pala laman. Haha. Excited pa man din ako buksan. Hahaha.” Sa ref pala ito galing. Dagdag pa niya, “Ilang balik ako sa ref para makuha ‘yan kasi baka mahuli ako ni mama. Kalamansi pala laman.”

Samantala, kinalaunan ay may nagbuking  sa comments section kung sino ang may gawa. Sabi ni Maricris Abelardo, “Dayap ‘yan. Hahaha. Si Jhon Jhon ang kumain ng laman pinalitan ng dayap para hindi mabuking na nabawasan.” Iyon naman pala!

Imahe via Bea jeon | Facebook

Nagdulot ito ng katatawanan sa mga netizens. Kaya naman ang post ni Bea ay mayroon nang 29K reactions, 751 comments at 63K shares.

Kaya sa susunod na kumain tayo ng Ferrero Rocher, tandaan na itapon na agad ang balat nito at baka kung ano pa ang maisipan nating gawin. Mahirap nang makasakit ng damdamin ng iba. Haha