Architecture student, nagbebenta ng homemade desserts upang matustusan ang pag-aaral

Imahe via The Milk Bar Manila | Instagram
  • Trending sa social media ang mga ibinebentang cheesecake at iba pang dessert ng isang college student
  • Ang kinikita nito ay ginagamit niya para suportahan ang kanyang pag-aaral
  • Bukod sa maraming nagtanong kung magkano ang kanyang mga produkto ay umani ito ng papuri mula sa mga netizens

Dahil sa katakam-takam na hitsura ng mga nakagarapon na blueberry at oreo cheesecakes, trending ngayon ang post sa Twitter ng isang Architecture student.

Imahe via @CydrayVasquez | Twitter

Ang produktong panghimagas na ito ay gawa at ibinebenta ni Cydray Vasquez. Ayon dito ay isa siyang second year student at ginagawa niya ito upang matustusan ang kanyang pag-aaral, partikular na ang pambayad nito sa renta at allowance.

Panawagan nito na ang simpleng pag-like at pag-retwet ng mga netizens sa kanyang post ay malaki nang tulong upang umabot ang kanyang produkto sa mga tao na gustong makabili.

Hindi nga nabigo si Cydray dahil ang kanyang post ay umani ng mahigit na 35.7K likes at 18.9K retweets.

Mapapansin din na marami ang mga nagkomento sa kanyang post at nagtatanong kung magkano ang kanyang mga ibinebenta. Marami rin ang humanga sa sipag at tiyaga nito upang suportahan ang sariling pag-aaral.

Imahe via The Milk Bar Manila | Instagram

Maliban sa kanyang mga tindang cheesecakes ay gumagawa din siya ng Wintermelon Milk Tea, Coffee Jelly, Chukie Jelly, Mango Tapioca, Strawberry Milk.

Sa kanya ring social media account ay nakalagay na maaari silang mag-deliver saan man sa Metro Manila.

Isa sa mga katangian nating mga Pinoy ang pagiging mahilig sa pagkain at hindi na kataka-taka kung bakit marami ang nagbigay ng interes sa mga desserts na ito. Idagdag pa ang  kahanga-hanga nitong layunin bilang estudyante at isang pagpapatunay sa mabuting naidudulot ng social media sa panahon ngayon.

Imahe via The Milk Bar Manila | Instagram

Ang ilan sa mga komento ay:

“Hope you do well in your future endeavors. Keep up the good work and do what you must for your dreams.”

“I did repost this to my page bro, para makatulong.”

“Hope to get to taste your products someday!”