Angkas o Angkiss: Marka sa likod ng Angkas driver, trending sa social media

Imahe mula sa Facebook | CharlynCharles Panaligan Masangkay
  • Good vibes ang hatid ng isang post sa social media na may larawan ng kiss mark sa likod ng Angkas driver
  • Maraming netizens ang natatawang nagkomento ng pagkabahala para sa driver kung makikita ito ng kanyang misis
  • Isa sa mga nag-share ng nasabing larawan ay ang kilalang automotive journalist na si James Deakin

Trending sa social media ang post ng netizen na si Angelica Manipol na patungkol sa larawan ng isang Angkas driver na mayroong kiss mark sa likod ng kanyang uniporme.

Imahe mula sa Facebook | Angelica Manipol

Ang post na ito ay hindi nakaligtas sa mga netizens kung saan ay marami ang nagpahayag ng mga kakatuwang komento at mga haka-haka.

Hindi man direktang nasabi sa caption ng post kung paanong nangyari ang kaganapang ito ay maraming netizens ang nagsuhestyon na ito ay dahil sa pagpreno ng driver.

Bukod sa mga community-focused Facebook pages na nag-share ng nasabing larawan, kapansin-pansin din ang pag-share ng kilalang automotive journalist, social media personality at TV Host ng CNN Philippines na si James Deakin.

Tila naaliw ito sa good vibes na dulot ng post na ito sa kabila ng kasalukuyang kinakaharap na issue ng Angkas at ng kabuuang industriya ng motorcycle taxi services sa bansa.

Imahe mula sa Facebook | James Deakin

“The topic has always been about safety. I wonder how safe this rider will be when he gets home to his wife #saveangkisskuya.

Kamakailan lamang ay usap-usapan din si James Deakin sa social media dahil sa kanyang speech sa senate hearing ukol sa regulasyon ng mga motorcycle taxis sa bansa.

Marami ang namangha dito dahil sa kanyang pahayag na aminado itong hindi ang Angkas at ang iba pang mga motorcycle taxis ang pinakaligtas na paraan ng transportasyon subalit ito ay maaaring maging alternatibong solusyon sa kasalukuyang kinakaharap na krisis sa trapiko.

Screenshot mula sa Facebook video | James Deakin

Ilan pa sa mga komento na makikita sa post ng kiss mark ng Angkas driver ay:

“In fairness, very disciplined at hindi pasaway mga Angkas riders kapag nasa roads unlike most motorcycle riders.”

“That’s assuming kuya is married. Hahaha… we hope not, for his safety!”

“Must have been due to sudden stop and the Lady passenger’ face fall flat on the driver’ back. Must be sour and salty”