Alex sa kanyang followers: Thank you, I’m living my dream, I’m living my prayers

Images via Alex Gonzaga | Instagram
  • Pinasalamatan ng popular celebrity vlogger na si Alex Gonzaga ang kanyang followers
  • Aniya, dahil sa paggawa ng vlog ay nasagot ang kanyang panalangin na mahanap ang isang bagay na ikararangal niya at kung saan ay magkakaroon siya ng purpose
  • Pinayuhan din niya ang followers na magtiwala sa “timing” ng Diyos dahil palagi itong “worth the wait”

Nagpasalamat ang popular celebrity vlogger na si Alex Gonzaga sa kanyang followers sa pagiging daan ng mga ito upang matupad ang matagal na niyang ipinananalangin sa Panginoon.

Image via Alex Gonzaga | Instagram

“Thank you. I’m living my dream, I’m living my prayers,” wika ni Alex sa kanyang followers sa pamamagitan ng isang recent vlog.

Pagbabahagi niya, bago niya pasukin ang mundo ng vlogging ay kagagaling lamang niya sa pinakamababang sandali ng buhay niya.

“Bago ako mag-vlog, galing ako sa isang napakalungkot na part ng buhay ko na I think I was tested talaga kasi noong time na iyon, ang dami-dami kong pinagdaanan. The worst part noong time na iyon was I thought I lost the opportunities that were given to me. Sumabay pa ang love life ko,” pagbabahagi ni Alex.

“The moment I started vlogging, I found a home. I really found a purpose. It’s not just recording. It’s not just editing. It’s not just posting. It’s more than that kasi I prayed for a long time na mahanap ko iyong something na I would be proud of; something that I am happy, something that I am passionate about,” pagpapatuloy ng sikat na vlogger.

Dahil dito, pinayuhan niya ang kanyang followers na magtiwala sa “timing” ng Diyos dahil palagi itong “worth the wait”.

“Ngayon ko lang, actually, nare-realize na lahat ng pinangarap ko, lahat ng mga gusto kong magawa, lahat ng ipinag-pray ko kay Lord, ngayon ay binibigay na Niya paunti-unti, in His perfect time. Sobra akong thankful,” ani Alex. “Sometimes it’s so good to be true, but when you trust God’s timing, the wait would always be worth it.”

Image via Alex Gonzaga | Instagram

Panoorin ang pinakabagong vlog ni Alex at ma-inspire sa kanyang naging paglalakbay bago naging isa sa mga pinakasikat na vlogger sa bansa: