Alex sa asawa ng BFF: He’s the only constant man in my 20s, minahal ako dahil mahal ako ni Dianne

Images via Dianne Medina Vlogs | YouTube
  • Hindi lamang daw si Dianne Medina ang minahal ni Rodjun Cruz noong naging magkasintahan sila
  • Kuwento ng matalik na kaibigan ni Dianne na si Alex Gonzaga, maging siya ay minahal din ng aktor
  • Ikinasal ang celebrity couple noong December 2019 at nitong nakaraan lamang ay ibinahagi ang video ng speech ni Alex sa araw ng kanilang wedding day

Madalas nating naririnig na kapag minahal mo ang isang tao, dapat ay mahalin mo rin ang mga taong mahal nito — at ito nga raw ang ginawa ng aktor na si Rodjun Cruz sa mga mahal sa buhay ng ngayon ay asawa na niyang si Dianne Medina.

Image via Dianne Medina Vlogs | YouTube

Isa sa mga makapagpapatunay nito ay ang matalik na kaibigan ng actress-host, ang celebrity vlogger na si Alex Gonzaga.

“Ako po ang official thirdwheel kay Dianne at RJ. Kasi when they started as a couple, Dianne and I are inseparable. Early 20s, we were both immature, restless, and very, very immature po kami sa relationships. Noong sinabi sa akin ni Dianne na may crush siya, akala ko ‘yong crush na iyon is just temporary. So pinapabayaan ko…. And then one night, tumawag sa akin si Dianne, ‘Cathy, kami na,'” kuwento ni Alex. “Noong time na iyon, feeling ko para akong iiwan ni Dianne.”

Gayunman, pinatunayan ni Rodjun na hindi mawawala kay Alex si Dianne dahil lamang sa may kasintahan na ito.

Ani Alex, pinatunayan ni RJ kung gaano katotoo ang pagmamahal nito sa kanyang kaibigan nang maging siya ay mahalin nito. Sa katunayan, bago raw siya nagkaroon ng sarili niyang kasintahan ay si Rodjun muna ang parang naging ‘boyfriend’ niya.

“RJ was the only consistent and constant man in my 20s because of Dianne. Minahal ako ni RJ kasi mahal ako ni Dianne. So kapag magde-date sila, two kaagad ang ililibre ni RJ kasi kasama ako. Everytime na malulungkot ako, si RJ po would always comfort me. RJ treated me as a girlfriend kasi he loves Dianne,” pagbabahagi niya.

Images via Dianne Medina Vlogs | YouTube

Samantala, ibinahagi rin ni Alex na noon pa man ay batid na niya na “perfect for each other” ang dalawa dahil kung ano ang wala sa isa ay iyon naman ang ibibigay ng isa. Wala rin daw sumusuko sa tuwing mayroon silang suliranin, gaano man ito kagaan o kabigat.

At katulad ni Rodjun, nakita rin ni Alex kung ano ang mga ginawa ni Dianne para maipadama sa aktor ang pagmamahal at aruga mula sa kanya; mula sa mga simpleng bagay hanggang sa malalaking pangyayari sa buhay nito.

Wika pa niya, ang naging kasal ng dalawa ay pormalidad na lamang dahil noon pa man ay totoong partners na ang turingan nila.

Alamin ang love story ng bagong kasal na sina Rodjun at Dianne, at kung paano sila nagmahalan at lumago sa mahigit 12 taon ng kanilang relasyon bilang magkasintahan: