
- Paulit-ulit muna raw nasaktan ang celebrity vlogger na si Alex Gonzaga bago niya nahanap ang kanyang “the one”
- Sa katunayan, isang buwan bago niya makilala ang kanyang fiance na si Mikee Morada ay nasaktan muna siya nang husto sa pag-ibig
- Aniya, ang mga kabiguan at sakit na kanyang naranasan ay paghahanda pala para maging “better person” na siya pagdating ni Mikee
Hindi naging madali ang naging paglalakbay ng popular celebrity vlogger na si Alex Gonzaga patungo sa tamang tao.

Ilang linggo matapos ma-engage sa longtime boyfriend na si Mikee Morada, ibinahagi ni Alex sa pamamagitan ng isang vlog na paulit-ulit muna siyang nasaktan sa pag-ibig bago niya nahanap ang “the one”.
“Ang daming kasamaang-palad na nangyari sa puso ko. Naiisip ko noong mga time na iyon, end of the world, umiiyak-iyak na ako. Pero minsan, kailangan mong may daanang sakit. There’s pain, it means you need to change something. Ang dami kong dinaanang sakit kasi pine-prepare ako ni Lord to be a better girlfriend or a better partner for Mikee,” saad niya. “Bago mo sila ma-meet, iisipin mo muna, are you worth it? Ikaw ba ay deserving para sa isang relationship?”
Kaya payo ni Alex sa mga follower niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang para sa kanila, sa halip na mainip ay gamitin na lamang daw ang panahon ng paghihintay para mas mapabuti pa ang sarili.

“Sobrang sakit ng mga naramdaman ko roon sa love life ko. Sobra talaga, pagkasakit-sakit talaga,” pag-amin niya.
Sa tagpong ito ng kanyang vlog ay ipinakita niya ang isang video niya habang umiiyak noong February 12, 2016, kung saan makikita na malayong-malayo sa masayang Alex ang emosyonal na babaeng nasa video. Ito raw ay isang buwan bago niya nakilala si Mikee.
Hangad ni Alex na huwag mawalan ng pag-asa ang mga nasasaktan sa pag-ibig dahil tiyak na darating ang inilaan ng Diyos para sa kanila sa tamang panahon.

Panoorin ang nakaaaliw ngunit nakaaantig din na vlog ni Alex at manalig na darating ang panahon at matatagpuan mo rin ang tamang tao na mag-aalaga, rerespeto, at magmamahal sa iyo nang totoo: