Alamin: Ang itinuturing na grapes ng Pilipinas, ang Duhat

Imahe mula Facebook at YouTube
  • Ibinahagi ng isang netizen ang litrato ng duhat, isang prutas na may pagkakahawig sa grapes o ubas
  • Ang duhat umano ay itinuturing na sariling grapes na makikita dito sa Pilipinas
  • Maraming bitamina at mineral ang makukuha sa duhat, mula sa bunga, dahon, buto, hanggang sa balat ng puno nito

Iba’t ibang mga prutas ang matatagpuan dito sa Pilipinas. Sa anumang bahagi ng bansa ay mayroon silang maaaring ipagmalaking prutas at mga produktong gawa dito.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube channel

Sa dami ng prutas sa mundo, hindi maipagkakaila na ang iba dito ay may pagkakahawig sa isa’t isa. At isa na nga sa mga prutas na magkahawig ay ang ubas at duhat.

Ang duhat o jambolan (black plum, java plum, rose apple, at iba pa) ay isang klase ng prutas na may kaliitan, kulay itim, at tumpok ang mga bunga. Ito ay may pagkakahawig sa grapes o ubas, ngunit may pagkakaiba nga lang sa kulay. Kaiba sa ubas, naghahalo ang tamis at asim ng bunga ng duhat.

Imahe mula sa The BNKT Health, HOME & Garden Journal. via Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ni Evangeline Rodrigo ang larawan ng duhat at tinawag itong “original grapes ng Pilipinas” dahil na rin sa pagkakatulad nito sa hitsura ng ubas.

Ngunit may pagkakahawig man sa grapes, ibang benepisyo naman ang hatid ng duhat. Sa natalakay sa programang Salamat Dok, mayroon umanong benepisyo ang makukuha sa bunga, dahon, buto, hanggang sa balat ng puno ng duhat.

Maraming mineral ang matatagpuan sa duhat tulad ng iron, calcium, potassium, at iba’t ibang bitamina. Dahil sa benepisyong hatid nito, isa ang duhat sa kinikilalang natural na panlaban sa diabetes.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube channel

Bukod sa bunga, ang mga dahon at balat ng puno ng duhat ay may benepisyo ring hatid dahil naglalaman ito ng flavonoids at tannins at iba pa na mainam na panlaban sa mga karamdaman tulad ng problema sa sikmura.

Maliit man sa paningin ang duhat, malaki naman ang tungkulin nito sa pagpapabuti ng ating kalusugan.

Upang malaman ang iba pang benepisyo na maaaring makuha sa duhat, panoorin ang video na ito: