
- Muling magbabalik sa Metro Manila ang “World’s Biggest Book Sale”
- Ito ang Big Bad Wolf Book Sale na gaganapin sa February 14-24, 2020
- Daan-daang book lovers na rin ang nagpakita ng interes sa event na ito lalo na’t maaari kang makakuha ng aabot sa 90% na discount sa mga ibebentang libro
Sabik na ang mga book lovers para sa muling pagbabalik ng Big Bad Wolf Book Sale sa Metro Manila. Sa book fair kasi na ito, samu’t-saring mga libro ang puwede mong mabili at aabot pa sa 50% hanggang 90% ang iyong makukuhang discount.

Ang Big Bad Wolf Book Sale ay tinaguriang “World’s Biggest Book Sale” dahil pumapalo sa dalawang milyong libro ang ibinebenta rito. Saktong sa February 14, 2020 ang opening ng event kaya balak ng ilang netizens na gunitain ang Valentine’s Day dito. Ikinatuwa rin nila na puwede kahit anong oras magpunta sa book sale dahil 24 hours namang bukas ito.
Noong nakaraang taon, idinaos din ang book sale sa Manila kung saan mahigit 300,000 guests ang nagpunta. Bumisita rin ito sa iba pang parte ng Pilipinas gaya ng Cebu, Davao, at Pampanga.
Bukod pa rito, binansagan itong “Bookworm Heaven” dahil halos lahat ng genre ng libro ay iyong matagpuan dito – may educational, fiction, non-fiction, children’s literature, personal development, hobbies, young adult, at iba pa. May mga new releases din na inaabangan ng lahat lalo na’t pwede nga itong mabili sa mas murang halaga.

Nagsimula ang Big Bad Wolf noong 2009 sa Malaysia na may layuning magbigay ng abot-kayang mga libro sa publiko. Nag-expand na rin ito sa iba pang bansa sa Asia tulad ng Pilipinas, Thailand, at Indonesia.
Gaganapin ang Big Bad Wolf Book Sale sa World Trade Center sa Pasay City hanggang February 24, 2020.
Para sa mga interesado, puwede ninyong puntahan ang official Facebook account nila upang malaman ang iba pang detalye kaugnay dito.