
- Binalikan ng mga batang 90s ang kakaibang alpabeto na ginagamit nila noon
- Marami pa rin palang nakakaalala nito kahit matagal-tagal na rin nila itong hindi nagagamit
- Samantala, kung mayroong mga hindi nakalilimot sa “secret alphabet”, mayroon ding mga hindi na ito kabisado sa kabila ng madalas na paggamit nila nito noon
Isa sa mga nakagawian noon ng mga batang 90s ay ang pagsusulat ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga “letra” sa kanilang “secret alphabet”.

Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang kakaibang alpabeto na ginagamit nila noon para makipag-usap sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga liham. Hanggang ngayon ay marami pa rin palang nakakaalala nito kahit matagal-tagal na rin nila itong hindi nagagamit.
“Naalala ko pa noong elementary days ko, ganiyan ang mga sulat namin para hindi maintindihan ng iba. Lalo na ni Inay, para huwag magalit,” wika ng Facebook user na si Nelia Evangelista.
“I also used this secret message before…not knowing still my friends know how to read it. LOL!” natatawang kuwento ni Madeth Gandulpos Baclag.
“We used to write that way during our elementary and high school days. Sarap balikan,” ani Jess Mendez Quinquilleria.
Ibinahagi naman ng iba na bagama’t noong 1990s ito naging sobrang popular, ginamit na rin nila ito noon pa lamang 1970s at 1980s. Sabi ng isa sa kanila na si Gwendolyn Moreno Forrest, “Not just the batang 90s. My cousin taught me the alternative alphabet in high school, mid-70s. Good for secret messages.”

Samantala, kung mayroong mga hindi nakakalimot sa “secret alphabet” na ito, mayroon din mga hindi na ito kabisado sa kabila ng madalas na paggamit nila nito noon.
Ikaw? Marunong ka pa rin ba nito hanggang ngayon o isa na lamang alaala sa iyo ang mga “letra” na ito?