Childhood memories: Inabutan mo ba ang mga old school teks na animo’y komiks?

Image capture from Unang Hirit's video | YouTube
  • Ibang-iba ang hitsura ng mga old school na teks: mayroong bilang, may mga dayalogo, parang isang komiks
  • Itinatampok din sa mga teks na ito ang mga local Pinoy movie na ngayon ay itinuturing na ring mga klasik
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young ones” ang isa sa mga klase ng laruang bumuo sa kanilang kabataan 

Isa ka ba sa mga nawili maglaro ng teks noon? Nagbilang ka rin ba gamit ang “kakaibang paraan” na ang mga naglalaro lamang nito ang nakaaalam? (“I-sa! Dala-wa! Tat-lo! A-pat! Li-ma!” Malamang ay tanda mo pa!)

Image capture from Facebook

Kung batang 90s ka, tiyak na ang inabutan mong disenyo ng maliliit na cards na ito ay ang mga inspired sa movies at television shows katulad ng Mari Mar, Sailor Moon, Ghost Fighter, Dragon Ball Z, BT X, Zenki, at marami pang iba. Kung noong early 2000s ka naman naglaro, maaaring ang mga ginamit mo ay Mulawin, Darna, Encantadia, at iba pa.

Ngunit alam mo ba na may mas luma pa sa mga ito?

Ibang-iba ang hitsura ng mga old school na teks: mayroong bilang, may mga dayalogo, parang isang komiks na nag ang itinatampok ay ang mga local Pinoy movie na ngayon ay itinuturing na ring mga klasik.

“Sinasabi nga nila co-producer nito o kasamang gumagawa nito e mga producer ng pelikula,” saad ng anthropologist na si Dr. Jimmuel Naval sa isang naunang panayam sa Unang Hirit. “Parang isang paraan para mapopularisa itong mga artistang Pilipino at pelikulang Pilipino.”

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young ones” ang isa sa mga klase ng laruan na bumuo sa kanilang kamusmusan.

Para sa mga kabataan ng iba’t ibang henerasyon, anuman ang disenyo ng teks, hindi maikakailang naging sobrang saya nila noon habang sa mga ito pa lamang umiikot ang buhay nila — mga sandaling hindi nila maiwasang hanap-hanapin ngayong ibang-iba na ang takbo ng kanilang mundo.

Image capture from Facebook