1/4, lengthwise, o crosswise? Panghihingi ng papel sa kaklase, ‘kumukumpleto’ sa buhay-estudyante

  • Kinukumpleto raw ng panghihingi ng papel sa kaklase ang buhay-estudyante ng mga mag-aaral
  • Anuman ang iyong dahilan, kung naiwan mo man ang papel mo o talagang hindi ka bumili ng papel kailanman, waring kabilang na raw talaga ito sa listahan ng mga nararanasan ng mag-aaral
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang hindi nila makalilimutan sa panghihingi ng papel

Naranasan mo na bang humingi ng papel sa iyong kamag-aral?

Image capture from Facebook

Kinukumpleto raw ng panghihingi ng papel sa kaklase ang buhay-estudyante ng mga mag-aaral. Anuman ang iyong dahilan, kung naiwan mo man ang papel mo o talagang hindi ka bumili ng papel kailanman, waring kabilang na raw talaga ang panghihingi ng papel sa listahan ng mga nararanasan ng maraming mag-aaral.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang hindi nila makalilimutang gunita at karanasan na may kinalaman sa panghihingi ng papel.

“Mga classmate ko noon, ganiyang-ganiyan,” ani Halley Nichole. “Magdadala ako ng 10 piraso lang kasi kapag isang pad, buong classroom manghihingi na.”

“Nag-iipit ako sa notebook ng bawat isa niyan kaya ‘di sila makahingi sa akin. Sorry, mahirap buhay noon. Minsan sa intermediate pad ko pinupunit ang 1/4, crosswise, etc.,” wika ni Zelle D. Roda.

“Ubos agad ang papel mo kasi friendly ka. Lahat ng walang dalang papel, friends mo sa section ninyo. Pag-uwi ng bahay, hihingi ulit ng pambili kahit pagalitan ka ng nanay mo kasi kabibili lang ng apat na sizes ng papel pero naubos kaagad. Okay lang kasi nga friendly ka,” kumento ni Ma Theresa Fabia Fadri.

Image capture from Facebook

May mga nagsabi naman na kaya hindi na sila nagdadala ng papel ay dahil alam nilang magsisipaghingian ang kanilang mga kaklase at mauubos din ito kaagad. Nanghihingi na lang daw din sila. Lol

Ikaw, ano ang naaalala mo tungkol sa panghihingi o pagbibigay ng papel sa kaklase?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: