‘Working Dolls’: Ang professional dolls na kinahiligan noon ng mga bata

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Kabilang ang “working dolls” sa mga kumumpleto sa kabataan ng marami noon
  • Ang klase ng paper dolls na ito ay nagtatampok sa iba’t ibang klase ng propesyon at trabaho: guwardya, sundalo, atleta, at iba pa
  • Sa isang post, binalikan ng mga “young once” ang mga working doll na ito na kahit madalas inuubos ang kanilang pera ay pinasaya naman sila nang sobra-sobra

Naglaro ka rin ba ng sikat na sikat noon na working dolls?

Image via Batang Pinoy – Ngayon at Noon. | Facebook

Kabilang ang “working dolls” sa mga kumumpleto sa kabataan ng marami noon. Ito ang klase ng paper dolls na nagtatampok sa iba’t ibang klase ng propesyon at trabaho: guwardya, sundalo, atleta, at iba pa.

Sa isang post, binalikan ng mga “young once” ang panahon ng mga working doll na ito.

Wika nila, bagama’t madalas nauubos dito ang kanilang pera ay pinasaya naman sila nang sobra-sobra. Sabi naman ng ilan, kung titingnan ang mga gadget na uso ngayon sa mga bata ay mas masaya pa rin laruin at kolektahin ang mga ito.

Bukod sa “working dolls” o “professional dolls”, binuo rin ng isa pang klase ng paper dolls ang kabataan ng marami noon. Ito ang uri ng manikang papel na itinatampok ang imahe ng mga kilalang artista at karakter; na maaari mong bihisan, lagyan ng sapatos at iba’t ibang accessories, pagbitbitin ng bag at iba pa. Maaaring sabihin na sa mga laruang ito unang natuto na pumorma ang mga batang babae noon.

May kasama ring stand ang bawat set na ititinda noon sa halagang P1 lamang. Pasok na pasok sa bulsa, para pang mga totoong manyika na puwede mong patayuin, gawing mga modelo,at i-display sa kuwarto.

Image capture from Facebook

Nahilig ka rin ba sa mga laruang ito noon? Ibahagi ang mga hindi mo makalilimutang alaala sa comments section!