Walang pangalan ng politiko: Netizens, ikinatuwa ang Christmas bags na ipinamimigay sa Pasig City

Images via Vico Sotto and Lui Quiambao Manansala | IG/FB
  • Sa halip na pangalan ng politiko, “Lungsod ng Pasig, umaagos ang pag-asa” ang nakaimprenta sa bag na pinaglalagyan ng grocery items para sa mga residente
  • Sa Facebook, ibinahagi ng beteranang aktres na si Lui Quiambao Manansala ang post ng kanyang pamangkin na ang sabi raw ay, “buong Pasig, botante o hindi”
  • Hinangaan ito ng social media users

Hindi na bago na makakita ng pangalan ng politiko sa mga giveaway mula sa isang city government–ngunit iba ang nakita ng mga taga-Pasig sa kanilang natanggap mula sa lungsod.

Image via Lui Quiambao Manansala | FB

Sa Facebook, ibinahagi ng beteranang aktres na si Lui Quiambao Manansala ang post ng kanyang pamangkin na nakatira sa Pasig City. Dito ay makikita na sa halip na pangalan ng politiko, “Lungsod ng Pasig, umaagos ang pag-asa” ang nakaimprenta sa canvas bag na pinaglalagyan ng grocery items na ipinamimigay bilang pamasko sa mga residente.

“Look, no politician’s name printed on the canvas bag. (Lungsod ng Pasig. Umaagos ang Pag-asa) Grabbed from a niece living in Pasig who wrote, ‘buong Pasig, botante o hindi’,” saad ni Manansala.

Hinangaan ng social media users ang hindi pagpapalagay sa mga ito ng pangalan ni Pasig Mayor Vico Sotto dahil hindi naman umano pera ng nanunungkulan ang ginagamit sa mga ganito kung hindi ang kaban ng bayan; ang pera ng tao.

Samantala, ikinatuwa rin ng marami na wala raw pinipili ang lungsod sa mga binibigyan nito ng pamaskong handog. Saad ng netizen na si Imelda Cruz Fresco, “‘Yong anak ko, nabigyan sila. Akala ko nga baka hindi sila bibigyan kasi sa condo unit sila nakatira, ‘yon pala kasali. Lahat nga raw ng Pasig.”

Image capture from Facebook

Hanga rin daw ang mga tao sa pagbabahay-bahay ng mga volunteer na namimigay ng bag of goods; na tinitiyak na mabibigyan ang lahat ng nakatira sa lungsod, kahit wala ni isang kamera na nakasunod.

Image capture from Facebook