
- Nauuso ang iba’t ibang filter sa smartphone upang lagyan ng mga kakaibang bagay at kulay ang kinuhanang litrato
- Ngunit marami rin ang naloloko ng filter at inaakala ng marami na tunay na kulay o hitsura ang nakikita sa litrato
- Tulad ng litrato ng isang netizen, ang kulay berde kasing saging ay nagkulay dilaw at tila hinog na

Kasabay ng modernisasyon na dala ng teknolohiya, ay ang kakayahan din nito na makapanlinlang sa iba’t ibang bagay tulad ng litrato at mga video.
Laganap na sa social media ngayon ang mga viral na litrato o video ng mga kakaibang bagay na inaakala ng maraming netizen na totoo ngunit ang katotohanan ay in-edit lamang gamit ang iba’t iba mobile applications.
Sa makabagong teknolohiya ngayon, ang mga litrato at video ay maaari nang ma-edit at malagyan ng iba’t ibang bagay. Maaari nang mapalaki ang mata o mapahaba ang buhok sa litrato, at maaari ding mag-edit ng video tulad ng paglalagay dito ng tila may multo o may kakaibang pangyayari.

Ngayon, halos lahat ng smartphone ay mayroong camera filter, o ang kakayahan nitong mapalitan ang kulay ng mga kinuhang litrato. Maaari ding lagyan ng iba’t ibang disenyo ang litrato tulad ng pagkakaroon ng tainga ng aso o ngipin ng kuneho.
May kakayahan din ang mga mobile filter na magbago ng kulay ng mga bagay na nasa litrato. Tulad na lamang ng kinuhanan ng isang netizen na litrato at kaniyang ibinahagi sa Facebook.
Sa dalawang litratong post ni Sean Torrion, ipinakita niya ang orihinal na kulay ng saging na saba. Ngunit sa ikalawang litrato ay nagmistulang hinog na ito, at ito raw ay dahil sa filter app.

Ang post na ito ay mayroon nang halos 22,000 reactions na kalimitan ay “HAHA,” at halos 37,000 shares. Nilagyan ito ni Torrion ng caption na: Thank you nga pala sa Lightroom, Wala pang isang oras hinog agad saging namin.
Ikaw? Nais mo rin bang paglaruan ang mga litrato gamit ang iba’t ibang filter gaya ng Lightroom? Siguraduhin lang na huwag itong ipo-post sa social media at sabihin na ito ay hindi edited.