Viral: ‘Dancer’s Clock’ na ang nakalagay ay ‘and 5, 6, 7, 8’, kinaaliwan

Images via Jeff DeLong and Pixabay | Facebook
  • Kinaaliwan ng netizens ang larawan ng isang orasan na ang tawag ay “Dancer’s Clock”
  • Sa Facebook group na Weird Secondhand Finds That Just Need To Be Shared, ibinahagi ng isa sa mga miyembro na si Jeff DeLong ang litrato ng isang “Dancer’s Clock”
  • Sa halip na ang mga numerong nakalagay sa normal na orasan, “and 5, 6, 7, 8” ang makikitang nakalagay sa kakaibang orasang ito na idinisenyo para sa mga mahihilig sumayaw

Mahilig ka rin bang sumayaw? Kung oo, itong viral na “Dancer’s Clock” na kaya ang klase ng orasan na para sa iyo?

Image capture from Facebook

Kinaaliwan ng maraming social media users ang larawan ng isang orasan na ang tawag ay “Dancer’s Clock”. Sa halip na ang mga numerong nakalagay sa normal na orasan, ang “and 5, 6, 7, 8” na madalas nating naririnig sa mga dancer ang makikitang nakalagay sa kakaibang orasang ito na idinisenyo para sa mga mahihilig sumayaw.

Sa Facebook group na Weird Secondhand Finds That Just Need To Be Shared, ibinahagi ng isa sa mga miyembro na si Jeff DeLong ang litrato ng isang “Dancer’s Clock” na nakita niya habang namimili sa isang shop. Dahil sa nakatutuwang humor ng nakaisip ng disenyo nito, kinaaliwan ito ng libo-libong social media users, miyembro man o hindi ng nasabing public Facebook group.

Wika ng mga miyembro ng grupo, ikinatuwa nila ang pagiging witty ng henyong nasa likod ng orasang ito. May mga nagsabi rin na sa unang kita pa lamang nila sa orasan–kahit pa hindi sila mananayaw–ay agad na nilang naintindihan kung bakit ito tinawag na “Dancer’s Clock”. (Sino nga ba naman ang makalilimot sa linyang ito?)

As of posting, nakakuha na ito ng halos 1,000 kumento, lampas 1,300 shares, at mahigit 19,000 reactions. Kuwento ni DeLong, noong napansin niyang nakakuha ng maraming reactions binalikan daw ito ng kanyang ina at binili.

Image via Pixabay