Sexbomb Izzy at kanyang anak, trending sa kanilang Macarena at Tala dance covers

Image via @sebastiandewey | Twitter
  • Viral sa social media ang Macarena at Tala dance videos na in-upload ng anak ng dating SB dancer na si Izzy
  • Maraming netizens ang natuwang makita muli na sumayaw si Izzy
  • Bukod dito ay kinamanghaan din ang kanyang anak sa pagsasayaw

Bago pa natin nakilala at hinangaan ang mga sikat na girl groups ngayon ay nariyan at hindi natin basta-basta na lamang makalilimutan ang grupo ng Sexb0mb Girls.

Image via CheChe Tolentino | YouTube

Hindi lamang natin paboritong kasama ang grupo na ito ng mga talentadong kababaihan tuwing pananghalian noon kundi naging bahagi na sila ng ating pagtanda. Kaya naman lubos ang galak at excitement ng karamihan sa atin sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon na sila ay nagre-reunion sa telebisyon.

Ngunit bukod sa telebisyon, salamat din sa social media at patuloy pa rin nating nasusulyapan ang makulay na kalagayan ng ating mga iniidolo pati na ang kanilang mga sari-sariling pamilya ngayon.

At isa na nga dito ay ang hit na TikTok video na in-upload ng anak ni SB Izzy Trazona sa Twitter. Sa video ay makikita ang pagsayaw ng mag-ina sa kantang Macarena kung saan ay naghayag ng mga sentimental comments ang mga netizens, at inalala ang galing ni Izzy sa pagsasayaw.

Click the image to watch the video via sebastiandewey | Twitter

Bukod sa mga positibong komento sa kanilang Macarena dance ay kasalukuyang mayroon na din itong 1.4M views sa Twitter.

Makikita rin sa Twitter account ng anak ni Izzy na si Dewey ang dance cover naman ng sikat na kanta ni Sarah Geronimo na Tala. Gaya ng nauna nilang video ay umani rin ito ng mga pagbabalik-tanaw na mga komento mula sa netizens.

Image via sebastiandewey | Twitter

Ang ilan sa mga komento ay:

“Omg! Can’t believe it, may anak na talaga si Sexb0mb Izzy! Hay sobrang tanda ko na ba talaga? Hahaha! Sana may comeback silang lahat please”

“Miss ko yung mga araw na nagtataray lagi ang mama mo sa Daisy Siete.”

“She still looks young! Para lang kayo magkapatid. I was in elementary when she used to be in Eat Bulaga”

Sources: YouTube Twitter Twitter Instagram