
- Kinaaaliwan ngayon online ang video ng mga lalaki habang sila ay naglalaba
- Sa caption ng video, nakalagay ang “Yung rest day mo pero pinapalaba ka” mapapanood rin ang lalaki dito habang nagrereklamo na naglalaba at inilu
b0g pa ang ulo sa batsa - Ngayon, ang video ay mayroon nang mahigit 157,000 reactions at five million views
Nakagisnan na sa ating lipunan na ang paglalaba ay gawaing bahay ng mga babae. Tungkulin ng mga babae lalo na ng mga nanay na labahan ang mga maruruming damit ng kanilang pamilya na naninirahan sa bahay.
Ngunit sa pagdaan ng panahon at pagsapit ng modernisasyon, nag-iba na rin ang nakaugalian sa lipunan. Ang mga trabahong panglalaki ay maaari nang gawin ng mga babae, at ang mga dating tungkulin lamang ng mga babae ay ginagawa na rin ng mga kalalakihan.

Kaya naman hindi na nakapagtataka na sa loob ng tahanan, ginagawa na rin ng mga lalaki ang tungkulin na dati rati ay mga kababaihan lamang ang gumagawa — tulad ng paglalaba.
Normal na ngayon sa mga lalaki ang maglaba, at kamakailan, isang video ng mga lalaking naglalaba ang nag-viral dahil sa nakatutuwa nitong kuwento.
Sa video kasi na ibinahagi sa Facebook ni Mike Andoy Ocampo, ipinapakita ang mga lalaki habang naglalaba. Ngunit isa sa kanila ang nagrereklamo dahil imbes umano na rest day nila sa trabaho ay kailangan nilang maglaba ng mga maruruming damit.

Nakakatuwa ang lalaki sa video habang nagrereklamo na kailangang maglaba, at sa huling bahagi pa ng video ay pabiro din niyang inilubog ang ulo sa batya kung nasaan ang mga nilalabahan niyang damit dahil sa sobrang pagkainis.
Ang nasabing video na may caption na “Yung rest day mo pero pinapalaba ka“ ay mayroon nang mahigit 157,000 reactions, 300,000 shares, at 5 million views.