Vic Sotto, nais na ulit sundan ang panganay na anak nila ni Pauleen Luna

  • Sa isang interview, inamin ni Vic Sotto na nais na niya umanong sundan ng isa pang anak ang  panganay nila ni Pauleen Luna
  • Ngayon ay dalawang taong gulang na ang panganay nila na si Talitha o baby Tali at naghahanap na raw ito ng kalaro
  • Ngunit ayon din kay Vic, busy pa siya masyado kaya hindi pa nila maharap ni Pauleen na subukang sundan si baby Tali
Imahe mula kay Pauleen Luna via Instagram

Kalimitan sa mga anak ng mag-asawang celebrities ay napupunta na rin sa “spotlight” pagkapanganak pa lamang ng mga ito.

Lalo na ngayon at nauuso ang social media at dito ibinabahagi ng mga celebrities ang mga litrato at video ng kanilang anak, kaya naman kahit hindi pa sila lumalabas sa telebisyon ay marami nang mga fans ang nakakakita at nag-aabang sa kanila.

Ang mga celebrity babies na sikat ngayon sa social media ay sina Scarlet Snow Belo, Primo at Leon Arellano, Seve Gonzaga Soriano, Zion Gutierrez, at iba pa.

Kasama rin sa listahan ng mga kinatutuwaang celebrity babies sa social media ay si Talitha Sotto o baby Tali, ang panganay na anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Sa lusog at pagiging bubbly kasi ni baby Tali ay maraming netizens ang natutuwa sa kaniya.

Imahe mula kay Pauleen Luna via Instagram

Nagiging laman din si baby Tali ng iba’t ibang balita at online articles. Ngayon ay laman ulit ng balita si baby Tali dahil na rin sa naging pahayag ng kaniyang ama na si Vic.

Kamakailan sa isang interview, ipinahayag ni Vic na nais na nila ng kaniyang asawang si Pauleen na sundan na ang dalawang taong gulang na si Tali.

Oh yes, definitely. Naghahanap nang kalaro si Tali eh,” ani ng Eat Bulaga host. Ngunit dahil sa kanilang busy schedule ay hindi pa muna umano nila maharap at masubukang magkaroon pa ng isang anak

Imahe mula kay Pauleen Luna via Instagram

Hinihintay ko pang lumamig pa yung panahon… Wala pa eh, bitin pa. Medyo busy pa ako,” pahayag ulit ng 65 taon na comedian.

Matatandaang noong Nobyembre sa isang report ng GMA , sinabi ng mag-asawang Vic at Pauleen na isa sa kanilang Christmas wishes ay ang lumaki at madagdagan pa ang kanilang pamilya.

Paniguradong super cute at bubbly din ang susunod na anak nila Vic at Pauleen. Isa ulit ito sa maaaring pakaabangan ng maraming netizens.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: